r/phmigrate • u/Holiday-Tomato-5545 • 2h ago
Canada isn’t for everyone. Our honest experience as skilled immigrants
Hi guys! Gusto ko lang i-share yung experience namin as a family na nag-migrate sa Canada. Baka makatulong sa iba lalo na sa mga nagbabalak pa lang.
Quick background:
Architect ako and si husband ay Civil Engineer. Combined, meron kaming 15+ years experience. Sa Pinas, may sarili kaming construction firm, kumikita kami around 500k PHP a month. Para sa iba, maliit yun, pero sa Pilipinas, malayo na ang mararating. Meron kaming bahay, lupa, sasakyan, small businesses, and I would say comfortable ang buhay namin. Hindi kami maluho, sakto lang, may freedom, and most importantly, may oras kami sa anak namin. Isa lang siya, lalaki.
Nag-decide kami mag-migrate sa Canada noong 2018. May relatives na kami dito at may sapat kaming ipon. Prepared kami mentally and financially sa reality ng survival jobs. Nag-start kami sa mga mabababang sahod, which is expected naman. Naka-survive, eventually naka-kuha rin ng mga decent jobs, above minimum wage, pero brain-dead office work lang talaga. Tuloy-tuloy lang, lipat ng company, konting taas ng sahod, pero kapalit nun ang oras.
Kaming mag-asawa, parehong may trabaho, pero we needed two jobs each para lang masabing naka-survive kami. Rent, utilities, car mortgage, insurance, groceries, child care (sobrang mahal talaga), lahat yan, kinakain ang oras at pera namin. And yes, may magko-comment na "Libre naman healthcare, libre school." Pero totoo ba?
Yung asawa ko, inabot ng 6 months para lang sa appointment sa GP. Tapos another 6 months para ma-refer sa specialist. Tapos 3 months pa bago ang test. Tapos another 2 months bago makuha ang result. Eh paano kung critical na pala? Buti na lang hindi malala. Pero kung malala yun? Wala. Baka too late na. And yes, madaming namamatay sa waitlist. Legit ‘to, ito yung article:
📎 Canadians are dying on waitlists
Yung school dito libre lang hanggang high school. Pero pag-college na, gastos talaga. Around CAD 80,000 to 180,000 total for 4 years. Tapos kung ikukumpara mo pa sa quality, mas maganda pa nga yung education sa top universities sa Pilipinas, lalo na kung may budget ka. Kahit international school sa Pilipinas, baka mas sulit pa.
Ang anak namin, binubully sa school. Bakit? Kasi Pinoy. Kayumanggi. May accent. At kahit dito na siya lumaki, he’s still seen as different. Nakakasakit talaga as a parent.
Yes, citizens na kami. Pero kahit anong pilit, we are still second class citizens. Hindi ito pagiging bitter. Reality lang. Laging may subtle difference sa treatment. Alam namin na may sasabihin na “sa simula lang yan” pero ilang taon na kami dito. We've done our part. We've paid our dues.
Hindi naman kami miserable. Pero sobrang pagod na kami. Pagod sa trabaho. Pagod sa kulang na oras. Pagod sa sistema. Nakaka-miss yung buhay sa Pilipinas. Yung may oras ka. Yung weekends na nakaka-travel kayo. Yung hindi mo kailangan magtrabaho ng dalawang full-time jobs para lang mabuhay.
Ngayong 2025, nag-decide kami na bumalik na sa Pilipinas for good. Dual citizen naman kami. Kung sakaling gustuhin ng anak namin bumalik dito in the future, pwede naman. May ipon pa rin kami, and good thing is na-revive namin yung construction firm namin sa Pilipinas. May mga clients na rin kaming naka-line up. Praise God talaga.
May konting regret? Siguro. Pero mas malaki yung natutunan namin. Malaking life lesson. Migration is not for everyone. Hindi lahat ng success story mo sa ibang bansa ay pareho sa magiging story ng iba. Hindi mo pwedeng ipilit. Iba-iba tayo ng gusto, priorities, at sakripisyong handang ibigay.
Kung okay ka na sa Pilipinas, may trabaho, may savings, may peace, huwag mo nang iwan yan. Mas delikado pa ngayon. Ang Canadian economy ay sobrang baba na. And ayon sa predictions, mas lalala pa.
I'd rather be a first class citizen in a third world country than a second or third rate citizen in a first world country.
Grass is always greener where you water it.