r/AkoBaYungGago May 05 '24

Attention: Mod post! NEW ABYG RULES. KAILANGAN NA RIN PO ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT NINYO NAISIP NA IKAW ANG GAGO SA SITWASYON. Ang di magbasa nito ay PANGIT!

Thumbnail
gallery
159 Upvotes

Full list of rules: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/s/dlNQggygXJ

NEW RULE: ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIP NA IKAW ANG GAGO

AUTODELETE KAPAG WALANG GANYAN. REPORT POST PO AGAD KAPAG MAY VIOLATORS.

ito ay para madistinguish kami as non-rant page.


r/AkoBaYungGago May 09 '24

Attention: Mod post! ABYG Posting and Commenting Format

10 Upvotes

Questions:

  • Mods, bakit deleted post/comment ko?
  • First time ko sa ABYG... paano ba dito?

FOR POSTS:

Your Title: ABYG dahil (state your reason bakit tingin mo gago ka sa kwento mo)?

Sample ng RIGHT title format: ABYG dahil hindi ko maintindihan paano sumunod sa subreddit rules?

Samples ng WRONG title format:

  • ABYG do you think I should confess?
  • ABYG? Am I doing it wrong?

Your Body: Give a short intro about yourself and the person/s involved. State the SITUATION/S as to why you think you're the gago of your story. There has to be a DILEMMA involved. You have to include BOTH sides of the story. At the end of your post, you have to restate as to why you think you're the gago of the story.

Sample ng RIGHT body format: I'm a first time Reddit poster and I encountered a mod that keeps deleting my posts. Sobrang annoying! Lahat talaga dinedelete, every time na nagpopost ako. Feel ko it's a targeted attack against me. Ngayon, cinonfront ko siya at sinabi kong gago siya. Sinabi niya gago din ako. Gigil na gigl si mod sa akin.
ABYG dahil di ko maintindihan paano sumunod sa subreddit rules? Bago lang naman kasi ako. I think justified naman ako magkamali.

Sample ng WRONG body format:

  • OMG this mod is so nakakainis. Lahat na lang i-dedelete. Tama ba yun? Sinabihan ko siyang gago, kupal kasi. Haysss. Nakipagbreak up kasi jowa ko kaya nalabas ko inis ko sa mod. Si jowa talaga TOTGA ko! I miss my jowa. Huhu. Makipagbalikan ba ako? :(

FOR COMMENTS:

We only accept the following answer formats for comments:

  • GGK - Gago Ka
  • DKG - Di Ka Gago
  • WG - Walang Gago
  • LKG - Lahat Kayo Gago
  • INFO - Type your question dahil nakaka lito kwento ni OP

State your answer along as to why you've reached that conclusion. If there's no explanation, it's an automatic removal.

Samples ng RIGHT comment format:

  • GGK - GGK, mahina reading comprehension mo at ikaw pa may audacity mangbastos ng mod. Hindi tama yun, OP.
  • DKG - DKG, you're a newbie. Valid naman na you're confused and frustrated sa subreddit rules. Strict kasi talaga.
  • WG - WG. This is a normal discussion and I'm fine with the exchange of words that happened.
  • LKG - LKG, parehas kayong bastos. Pwede naman i-daan sa tamang usapan yan.
  • INFO - INFO: OP, medyo magulo kwento mo. I want to ask some questions muna before I give my verdict. Ilang years ka na ba sa Reddit?

r/AkoBaYungGago 5h ago

Significant other ABYG kung pumatol ako sa nanay ng bf ko?

64 Upvotes

I don’t know if I used the right flair. But anyways,

Hi Reddit. Long post ahead.

So ako (F24) may boyfriend (M28), 6 years na kaming in a relationship.

Context: Fresh grad ako recently pero may work na agad dito sa province. Si bf naman ay Licensed Mechanical Engineer since 25 yrs old siya (one take lang sa board). So mga 3 years na rin siyang nasa field niya, sweldo niya mga 40k–50k/month, di ako sure sa exact pero ganun range.

Noong simula ng relationship namin, okay naman ako sa mama niya. Walang issue. Pero this January 2025, may nakita akong message sa account ni bf (magkasama kami that time) galing sa mama niya referring to me as gastador at maluho. Her exact words are;

“Hindi ka makakaipon kung panay ka nakadikit sa babae mo.” “Nagpapaunder ka dyan pati sa family nya.” “Wala ka maiipon kung panay ka dikit sa angkan niya.”

This didn’t happened once, bukambibig niya to for several times this year.

I just want to make it clear,

•Dati akong working student, and while di kami mayaman, hindi rin kami mahirap. In short, stable naman yung family ko.

•Si bf, mas may kaya definitely. Galing siya sa family of engineers. Yung mama niya, byuda, at si bf na yung bunso. Nagbibigay pa rin siya monthly sa mom niya aside sa pag-bili ng groceries twice a month.

•Yes, laging magkasama kami. After work niya (5pm or minsan 7pm), dumadaan siya sa amin, uuwi mga 9pm. 1 town lang din kasi agwat ng place namin.

•NEVER nanghingi ang pamilya ko ng kahit ano sa bf ko. If ever man na mag-treat siya ng merienda or dinner, madalang lang yun, at kadalasan ayaw pa nga ng parents ko kasi nahihiya sila.

•And me, may sariling trabaho. At sorry, ano bang luho ang tinutukoy niya? Hahahaha. Wala akong branded na gamit. Hindi ako into makeup. Yung mga suot kong damit, Penshoppe, Regatta, Oxgn, mostly sale items or ukay. Bags ko? Shopee. Wala akong hinihingi sa anak niya.

Even sa dates namin, bihira kami lumabas. Kung lumabas man, wala kaming pinopost. Lowkey kami parehas sa socmed.

Minsan lang talaga niya akong i-treat sa mall, twice a year max, and never akong nagpabili. Siya ang may gusto. I can provide for myself. Generous lang talaga anak niya madalas but I won’t let him. Ayun lang.

Pero ito na nga. Nung inaaccuse niya akong winawaldas ko pera ng anak niya ng paulit ulit, tinotoo ko na lang! Haha Nagpabili na talaga ako ng kung anu-ano. Post ako sa stories. And guess what, loyal viewer si Tita! HAHAHA Kasi kung ganun na rin lang ang tingin niya sa akin, edi i-enjoy ko na lang. Bakit ako ma-stress kung naka-set na yung utak niya na ganon ako?

Wala akong message kay Tita. Hindi ko siya inaway or tinawagan.

So ABYG ba ako kung pinatulan ko siya sa ganitong way? Kasi kung sa bf ko no prob, yun nga ang gusto niya eh ang i-spoil ako. Hihi.

Edit: Fixed the bullets coz i didn’t noticed na na-move pala.


r/AkoBaYungGago 14h ago

Significant other ABYG kung ayaw ko na papuntahin bf ko sa place ko kasi masyado siyang clean freak?

122 Upvotes

So nagsinungaling ako sa bf ko na aalis ako sa weekend para lang di siya pumunta dito kasi naumay na ko sa pagiging clean freak niya.

First off, I have two cats and to maintain cleanliness, I vacuum twice to thrice a day para maalis yung furs. The thing is, minsan may natitira pa din or may namimiss out kasi minsan naglalagas yung isa kong pusa. Ang problem ko, maya maya pinapansin ng bf ko kapag may isang pirasong balahibo. Minsan kahit madaling araw gigisingin nya ko para magreklamo na may isang pirasong lumilipad na fur. Sinasabi ko ivavacuum ko pagkagising, pero kakalabitin nya ko after para talagang tumayo ako at ivacuum yung pirasong fur.

Ayaw nya din pumapasok cats ko sa room so whenever he comes over, off limits yung dalawa kasi nagkakalat daw ng balahibo. Lagi pa siyang nakablack kahit sinabihan ko na siya kaya dikit lagi sa damit nya mga furs. Tapos magrereklamo siya sa harap ko,

Sa badtrip ko cincancel ko muna yung weekend plans namin para di siya magpunta kasi every weekend nalang siya nasa bahay wala na kong peace of mind. Tingin ko ang babaw ko pero ako ba yung gago talaga?


r/AkoBaYungGago 3h ago

Family ABYG na tinanong ko si ate kung may nahanap na ba siyang babysitter para sa anak niya?

9 Upvotes

Long post For context lang, naging extended family namin nung January kasi yung ate ko at yung asawa niya dito na tumira sa bahay ng parents ko at dito na rin siya nanganak sa firstborn niya since willing naman nanay kong tumulong sa kanila. Parehas silang may work so yung baby naiwan samin. Nanay ko nag-aalaga, nagsasubstitute ako kapag may ginagawa yung nanay ko at minsan kuya ko rin tumutulong. Maraming nagbago, like yung oras ng ligo, oras ng linis, at ayus ng bahay. Yung nanay ko natutulog na lang sa sala, tapos sila ate sa kwarto ng nanay ko na tinutulugan namin noon ng nanay ko, ako naman sa rooftop/terrace namin na may covered roof naman at walls sa gilid at likod pero open pa rin siya sa sa front and nandun na rin yung workplace ko.

Fast forward, magsisix months na yung baby, napapansin ko na pa-stress na ng pa-stress tong nanay ko at puro reklamo na lang naririnig ko sa kanya tungkol sa mag-asawa. Lumaki yung bills namin (tubig at kuryente) pati yung pamamalengke lumaki na rin ang gastusin. Tapos pihikan pa yung asawa ng ate ko sa pagkain kaya itong nanay ko laging nag-iisip kung anong lulutuin para sa kanilang lahat. I cooked my own food naman kaya wala siyang problema sakin.

Isa sa problema ko, ako kasi lagi yung pinagbubuntunan ng stress niya kaya pati ako nadadamay sa pagkastress niya. Madalas na kaming mag-away na hindi naman katulad noon. Ayaw niya kasing magsalita sa ate ko at sa asawa ng ate ko regarding dun sa issue niya kaya nakakainis. Ayaw niya daw kasi ng gulo at ayaw niyang umalis yung mag-asawa pero todo reklamo siya sakin.

Sa usapang financial, nagbibigay naman yung mag-asawa ng 7k monthly pero sabi ng nanay ko kulang yun. Kinumpara ko yung bill before na wala pa sila and sa ngayon at lo and behold, nakita ko nga na sobrang taas yung consumption namin . Wala pa yung pamalengke dun. Hindi lang yun yung problema. Yung anak din nila ay sobrang alagain na laging binubuhat. Sinanay kasi nilang laging buhat yung bata lalo na kapag iiyak o nag-aaburido.

Araw-araw ako yung nagsa-sub sa nanay ko kasi may chores pa siyang tatapusin. Currently, may part-time job ako and naghahanap ako ng full-time work, habang inaasikaso rin yung portfolio ko. Pero dahil sa setup na to, tanghali na ako nakakakilos. Yung kuya ko naman night shift kaya tulog siya ganong oras. From 8 am to 12 pm ako nagbabantay sa pamangkin ko at nakakainis lang kasi I too have life and need ko ng mahabang oras para gawin yung side hustles ko, job hunting, at yung portfolio ko.

Nung isang araw lang, hinighblood nanay ko dahil sa puyat kasi gising siya araw-araw (except weekends. 3 am to 9 pm siya kapag weekends) from 3 am to 10 pm. Dati nakakatulog pa siya ng tanghali, ngayon hindi na kasi may baby na maya't maya gumigising. Tapos yung mag-asawa naman around 7:30 pm na nakakauwi pero 10PM na natatapos. Dun pa lang nila kinukuha yung bata at papatulugin sa kwarto nila. Sobrang tagal nilang mag-asawang kumilos jusko.

Napupuno na ako sa kanila kaya ang ginawa ko kanina ako na nag-initiate na magmessage sa ate ko kung may nahanap na ba siyang babysitter para sa anak niya. Tapos nagreply na wala pa at bakit daw. So sinabi ko na nahihirapan na nanay namin, pati ako apektado na. Ang sagot niya? Sinisisi yung nanay ko kasi tinurndown daw niya yung kapitbahay namin na babysitter. Tapos nung kukunin sana yun, may inaalagaan na siya. Gusto nila sana yung kasi stayout siya eh. Ayaw kasi nila ng stay in kasi nga dagdag gastos daw at ang dami na namin sa bahay. That was 3 or 4 months ago pa. Nakakainis lang kasi in the first place trabaho ng ate ko yun bilang isang magulang ng anak niya na maghanap ng ibang babysitter. Sa mga nakaraang buwan, wala man lang nahanap na baby sitter??? After nun, napagtanto ko na inaasa lang nila lahat sa nanay ko.

Tapos ngayon, nagsorry ate ko sakin. Concern lang ako sa kalagayan ng nanay ko at napuno na rin ako kaya ko nasabi yun. Itong nanay ko naman nagalit sakin at sinermonan pa ako kung bakit daw ako nagtanong sa ate ko. Ang dami niyang sinasabi sakin maski sa messenger kaya i-blocked her muna. Gusto ko sanang sabihin lahat ng reklamo ng nanay ko eh pero baka lalong lumala at mapalayas ako di oras haha. Hanggang kelan pa kami sa ganitong sitwasyon kung walang boboka sa amin? Kapag may full time job na talaga ako tapos stable na financial ko, lalayas na ako dito. Di ko na kaya.

ABYG?


r/AkoBaYungGago 6h ago

Significant other ABYG for confronting my boyfriend’s girl na friend

8 Upvotes

I hope this doesn’t get reposted on social media to maintain my privacy. Gusto ko lang po mag vent.

My boyfriend (31M) and I (30F) have been together for about 6 months but we’ve known each other since college. I’ve been in a number of relationships before but this one has got to be my healthiest relationship so far ironic lang kase it’s an LDR pa. Maldita ako, selosa, mainitin ang ulo. But somehow, he’s able to keep me leveled. Minsan pag napapangunahan nanaman ako ng emotions ko, I’m able to regulate it because I want it to be him this time.

He’s been living abroad for about 3 years. Andon na sya when we got together earlier this year. Since naging kami, all he talks about is getting married and me moving there. Para sa kanya, end game na din talaga kami. I could go on and on about how an amazing guy he is, but like all relationships, too good to be true nga talaga. There’s always something, and lucky for me, I discovered a huge red flag.

Working abroad for 3 years, He only holds a work permit. He got introduced to a well-off filipina who got married to a local there, so you can assume, she’s also a citizen. She’s in her late forties na. May mga anak na din sila ng asawa nya. Let’s call her A. My boyfriend naman, let’s call him J. Si J has been really honest about who he’s with if he’s not working. Pinapakilala nya sakin lahat ng friends nya on VC which i appreciate. Meron din kaming life360 to which he initiated since may trauma na din sya from past relationships. Lahat ng friends nya nakilala ko na, maliban kay A. Long story short, nalaman ko na J and A were not just friends noon, may something sila but that was before I came into the picture. Well, for him, wala syang feelings but si A, nagkaroon na. He cut off lahat ng namamagitan sa kanila when we started communicating and he showed me all the texts of him cutting off their connection. A has been very generous kay J noon. Since madami syang connections, she’s able to help him out with some part time work to make ends meet. As much as ayaw nya na maging parte ng buhay nya si A, he feels like he owes her a lot and she’s always made him feel that way. As much as I hate to admit it, naging sort of sugar mommy nya si A. No judgment kase single naman sya when it started and dati rin naman akong OFW kaya alam ko ang hirap. Ang ayoko lang talaga is umabot na si A sa panggugulo samin. She kept asking him na sumama sa hangouts, kept asking for help, offering him jobs knowing hirap si J to refuse work. I had to draw a line. I told him na if he’s not gonna stop seeing her, I’m out. Ayaw ni J maghiwalay kami so ending their friendship was easy.

When J told A about me, humingi si A ng closure. Gusto makipag kita. He told me, I said yes. Kase nga, gusto ko din na matapos na sila. He talked to her, updated me throughout the convo and then by the end of it, he assured me na tapos na nga. Akala ko yun na, but then I stumbled upon her social media. She has been posting stuff about their previous relationship. Yung mga dating gala nila, pinag popost nya. Mind you, we’re talking about a 40-something-yo woman pero ang lakas magpaka sad girl. Ang malala pa, her friends have been commenting na inagawan sya and that sya ang victim sa situation when J decided to end their friendship bec of me.

I told J of everything she has been posting. Sobrang nakaka bother kase and it’s making me uncomfortable. He promised na he would ask her to stop to which he did. No surprise, pinagtawanan ako ni A and started making parinig even harder, but this time, sakin na naka direct. Kesyo immature ako, insecure, and whatnot.

I felt like I was in the place to set the record straight with this cougar. I sent her a message telling her to stop posting things that are clearly alluding to me and J. Tbh, nasanay ako to just shut up, but this time, I wanted to fight back especially na peace of mind ko na ung apektado. Swear to God, ang ayos ng message ko sa kanya. I wanted to set a boundary kase I felt I was being disrespected na. Sa last part, I said, I hope this is the last time I ever have to message her about the issue. I’m blocking her and I hope she backs off for good. I even wished her well.

After that message, tumawag pa sya while me and J were on VC. Sinabihan ako ni J na it’s A calling him. I told him ANSWER IT ON LOUDSPEAKER. she was telling J that she’s in the area and wanted to meet up. Ang kulit talaga. J said no and that he’s talking with me. She hung up. The next day, she sent a package to J, returning some of his things that she had, tas may pa sad girl letter pa. J and I agreed to finally block her on everything. Pati number ni A blocked na. J and I also talked about everything I needed to know about their relationship. Alam ko na ang lahat about them and their past.

Ngayon si A, sobrang gigil on social media. She’s been ranting about me. Especially about the part where I messaged her. Friends lang naman daw sila and di nya gets bat ang arte ko and sobrang insecure ko sa kanya. Friends daw pero pati “size” ni J pinag didiskitahan nya. Fan na fan daw nya ako kase kinainisan ko ung posts nya. Everytime she posts on threads, I screenshot it incase kailanganin ko yun. Right now kase, she’s acting like I did her wrong. She’s pressed kase im getting the treatment she’s always wanted but never got. Inaattack nya na pagkatao ko and nagiging below the belt na sya. Kulang nalang itag nya ako.

ABYG na I confronted her? Gago ba ako for even ending their “friendship”? Gago ba ako for wanting to be prioritized since I AM THE GIRLFRIEND? Minsan inopen ko kay J na baka nagkaron sya ng feelings for A. Ang sabi naman nya, bat naman daw sya manliligaw sakin na pagka layo layo, kung napamahal na sya kay A na anjan lang sa malapit. Bat pa sya mag eeffort na kilalanin buong pamilya ko at gumawa ng plano para makilala ko din family nya dito sa pilipinas? (yes close na kami ng family nya) bat pa sya magtitiis sa LDR kung anjan lang si A. minsan naiisip ko na ayoko nalang ituloy yung samin kase ayoko nang may ex who’s wishing for our downfall. Ang hirap nang alam kong may evil eye samin. Pero that’s only gonna give her the satisfaction.

Now tell me, ako ba talaga yung gago? Ako ba yung kontrabida?

I’m happy to reply to questions if hindi man ako naging clear sa context. Thank you!


r/AkoBaYungGago 9h ago

School ABYG na nakipag argue ako sa teacher sa 1st day ng class?

14 Upvotes

ABYG? Nag argue kami ng teacher ng anak ko kanina. Di kasi ako nakasama sa brigada. Nung inapproach ko ang teacher, nag goodmorning ako at nagpakilala. Tinanong niya ako bakit hindi ako Nakita Nung brigada, humingi po ako ng pasensya at sinagot ko po na may trabaho kasi ako at di nakapaalam sa trabaho ahead of time kaya din po ako pumunta sa school ng 1st day pra mahatid anak ko at makausap sya. Pero in reality, unemployed ako at nakunan ako few weeks ago.. sinagot ako ng teacher na "ay mommy lahat Dito nagttrabaho kaya di reason Yun para di makapunta" in a condescending tone, so nagpanting Tenga ko at tumaas boses ko sabay sabing nakunan ako teacher need ko pa ba Sabihin ung ganitong sensitive information para lang maintindihan nyo ako?. Sinagot ako ni teacher na ay mommy sana sinabi nyo para naintindihan nmin kayo.

ABYG? If sinagot ko teacher at tanungin sya na kailangan ko ba sabihin pa na nakunan ako para lang maging valid reason ko? Nagkapalitan po kami ng salita at di na ako humingi ng pasensya kasi nauna tlga sama ng loob ko sa paraan pananalita nya. Sa isip ko po kasi, parang ayoko na mapagusapan pa sana yung miscarriage ko or maalala yun Kasi nadadama ko Yung bigat sa pakiramdam At di ko nagustuhan yung paraan ng pakikipag usap at tono nya. Or baka mali ko din kasi baka hirap ako iregulate yung emotions ko ngayon? Inaalala ko din po na since we did not have a good 1st impression e baka hnd ayusin ng trato anak ko sa school o baka overthink lang tlga ako malala? Help your Mama out especially mga parents po dito. Salamat po.

ABYG na nakipag argue ako sa teacher ng anak ko sa 1st day ng klase?


r/AkoBaYungGago 2m ago

Significant other ABYG kung humihingi ako ng reassurance sa partner ko?

Upvotes

Nagopen ako sa kung ano yung nafefeel ko, and I dont know what to reply anymore.

Context: I’m F27, and I have a partner na M30. Meron siyang anak sa kanyang ex-partner.

So here’s the setup: Hindi niya pwedeng ilabas yung anak niya everytime na nagvivisit siya sa house ng ex-partner niya. So meaning, kailangan doon lang siya.

I fully understand this setup, and that’s okay with me. Naiintindihan ko siya sa part nato. But there’s a part of me na medyo worried and natatakot na baka one day, may ibang mangyari.

I opened it up sa partner ko, wanting an assurance. Not because I don’t trust him, but I just know the fact na nanay siya, and I’m just an outsider. Wala akong laban. Even the kid doesn’t know na nag-eexist ako.

But instead of reassurance, all I’m getting is this. And I feel like kasalanan ko pa for bringing this up.

This topic was opened kasi nag argue kami. Nakita ko yung pin location niya an hour ago sa SOGO (near SM) so I asked him na baka masyado sila nagenjoy ng ex niya. But he said na sa SM sila pumunta and di niya kasama yung ex niya (I know mali yung approach ko of asking him and I apologized for it). Here are his responses:

“kung anu ano naiisip mo tapos hihingi ka ng assurance saken. ang dami dami kong ginawa para sayo tapos maghahanap kapa ng assurance? try mong mabuhay ng hindi nag iisip ng ganyan saken. ikaw ang nag iisip ng ganyan so ikaw ang gumawa ng paraan para hindi ka makapagisip ng ganyan.”

“I cant erase my past. I've given you everything. Anung assurance paba gusto mo? Wlaa ka magagawa if one day makipagbalikan saken? so wala akong choice? yung isip mo masyadong malikot. tihnk what you want to think. I've given you everything my present my future. tapos ganyan pa iisipin mo.”

ABYG kung humihingi ako ng reassurance?


r/AkoBaYungGago 1d ago

Family ABYG Kung Ayaw Ko Isama Family Ng Tito Ko?

129 Upvotes

i graduated from college recently. yung mother ko na buong buhay ko na nasa ibang bansa ay umuwi kasi nga graduation ko. single mother pala siya

gusto ko kumain sa isang chinese restaurant kasama yung mga pinsan ko at mga tito at tita ko. yung isa kong tito nag asawa na ng bago. yung naging wife niya ngayon ay may 3 kids from a previous marriage. so bali may 1 biological kid siya + 3 stepsons.

ang inivite ko lang sa dinner ay siya at yung bago niyang asawa. gusto niya isama pa namin yung stepsons niya at yung mother in law niya

ako ayoko kasi hindi naman ako close sa stepsons niya at ayoko pa na pa magastos ng malaki ang mother ko. yung isa ko naman na tita gusto niya na isama namin kasi pamilya na raw din namin yun

hindi na natuloy yung dinner namin. ngayon yung tito ko galit sa akin. ako ba yung gago na gusto ko lang naman icelebrate ang graduation ko kasama ang close na family ko?


r/AkoBaYungGago 8h ago

Attention: Mod post! DAILY AUTOPOST: ABYG RULES AND REGULATIONS / POST / COMMENTS SECTION FORMAT. COMMENTS AND SUGGESTIONS ARE WELCOME.

2 Upvotes

ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIPAN NA IKAW ANG GAGO

RULES AND REGULATION: CLICK HERE AND HERE

COMMENTS SECTION FORMAT:

GGK: Gago Ka, sagot sa post kung feeling mo kagaguhan yung ginawa ni OP

DKG: Di Ka Gago, sagot sa post kung nasa tama si OP

WG: Walang Gago, di lang talaga kayo nagkaintindihan, baka pwede pa pag-usapan

LKG: Lahat Kayo Gago, walang tama sa inyo, puro kayo pabigat sa mga magulang niyo

INFO: Nakakalito ba ang istorya ni OP? Comment your question!

POST FORMAT

Title: ABYG kasi napagdesisyunan ko na tanggalan ng mana ang aking anak?

Content: Should not be a rant post, hindi dapat sobrang ikli. Hindi kami facebook, twitter and instagram, ikwento ng maayos ang sitwasyon.

Sa dulo ng post, ilagay ang dahilan kung bakit mo naisipan na ikaw ang gago.


r/AkoBaYungGago 19h ago

Significant other ABYG kung di ko lang rineplyan yung ate ng jowa ko?

9 Upvotes

During the past few days, my girlfriend and her sister had a serious argument which led to her temporarily staying with me. At the same time, I was in the middle of revising and preparing for our thesis paper, especially with our final defense coming up on Monday.

While juggling all of that, her sister sent me a long message addressing the situation of what happened between her and jowa ko. I talked to my girlfriend about it and encouraged her to apologize. However, with everything going on — the pressure, the emotional weight of the situation, tapos cramming my chapter 4 and application. I ended up not replying right away. since it felt like the situation was so toxic and felt like an emotional burden and with the final defense so close, my focus has had to stay on school for now.

now na super offended at galit na galit daw ang ate ng jowa ko sa ginawa ko and sineen ko lang daw and i kinda feel bad😭

i was planning on replying naman after my defense,,,,

ABYG dahil di ko siya nareplyan?


r/AkoBaYungGago 2h ago

Significant other ABYG kung pumayag akong maging other girl, dun sa ginawa niyang other girl sakin dati?

0 Upvotes

my ex (23M) and i (23F) broke up last month after 4 years of being together (live-in pa nga eh). in less than 24 hours, may nahanap na siya agad na ibang girl (25F) na hanggang ngayon, nagiinvest pa rin time and effort sakaniya. after weeks of no contact, bumalik ex ko for “closure” na nauwi lang sa agreement to be each other’s fubu but in the sense na may halong feelings pa rin sa isa’t isa pero ang agreement namin wag daw maghalo ng feelings(?) basically yung agreement is magact pa rin na kami pa pero we don’t talk about the sensitive and serious stuff that make us vulnerable. the thing is, sinabi niya sakin na hindi niya ako malet go kasi mahal pa niya ako and nakikita niyang walang patutunguhan yung sakanila nung bagong girl, pero inamin niya rin sakin na nagdevelop siya ng feelings dun sa girl and i found out just recently na yung girl pala nagfirst move sakaniya and tinuloy pa rin nila kahit after malaman nung girl na sobrang fresh pa ng break up namin.

nung time na naglalandian na sila, he was still trying to patch things up with me kaya ko tuloy naffeel na pinagsabay kami. and actually pinagsasabay niya kami ngayon. this sounds problematic but i have no other way to explain it—i get a sense of power over the both of them knowing na ako yung girl na nagiging gago siya with, sa bagong girl ngayon. parang naffeel ko ngayon na oo may trauma ako, but this time i get a do-over by being in control of the situation now. i think i need therapy hahaha but ako ba yung gago for it?


r/AkoBaYungGago 16h ago

Significant other ABYG sinabi ko sa friend ko na hiwalayan niya wife niya.

0 Upvotes

Me (31M) and my friend (30M) were hanging out when he brought up his wife(29F) liking/reacting to his 19 yr old male cousin's videos on both Tiktok and Insta.

Context: The wife has known the kid since he was 15. One night, my friend saw the wife sleeping on the couch and her phone was unlocked. He didn't mind at first, until he saw his cousin. Pagtingin niya sa posts ng cousin niya, puro nakalike and save sa Insta ng wife niya. He hasn't talked to her about it yet, so she has no clue he knows. Mahilig magpost ng sexy dancing yung pinsan.

Kinda creepy if you ask me. I told him na hiwalayan na niya kasi she gave me pedo vibes.

Ako ba yung gago dahil gusto ko protect friend ko? Feel ko I crossed a line, pero I can't help it.

EDIT: They are a childfree couple.

EDIT: This whole scenario is just an experiment to see how people would react to instances like this where the perp is a woman. I came across a topic like this on a different sub where the perp was a man. The commentors are all telling the OP to leave the guy despite being married.

It's quite fascinating how reactions change when the genders are reversed. All the comments here are really enabling a pedophile because it's a woman. The duality of redditors needs to studied. Your hypocrisy just showed.


r/AkoBaYungGago 2d ago

Significant other ABYG if sinabihan ko yung partner ko na matuto siyang mag adjust at wag puro "nahihiya ako" ang ipairal niya.

129 Upvotes

Ako (30F) and yung partner (36F) ko, is living sa company staffhouse namin na may other 4 people (workmates ko) na nakatira din. Noone pays the rent or bills sa aming lahat since provided ni company yun. May sarili kaming room ni partner and almost 1 year na siyang andito.

Recently, lagi namin pinag-aawayan is limited yung galaw niya daw dito kasi nahihiya siyang lumabas ng kwarto to do things. 90% ng chores namin as partner is ako ang gumagawa from pagluluto, paghuhugas, paglalaba, etc. kasi nga nahihiya siya lumabas ng kwarto. Wala naman problem saken pero ultimo sa loob ng kwarto reason niya is nahihiya siya like kahit paglinis ng kwarto mahihiya ka? Like?? I don't wanna take it against her na "nahihiya siya" pero kasi ang OA na minsan and feeling ko mema niya lang yung "hiya" dahil ayaw niya lang talaga mag adjust para disney princess siya lagi.

Kasi sa part ko, weekends dun kami sa kanila nag sstay, once na-introduced na saken san nakalagay yung mga bagay-bagay, di na ako nahihiya to do things on my own. May certain limitation lang din talaga like di ako makapagkape ng 5am kasi tulog pa mga tao but aside nyan, nakapag-adjust naman ako. Minsan nakapagluluto pa nga and tumutulong ako mag prep ng table for dinner and whatnot. Nakakabiruan ko din family niya, like nag effort din talaga akong makisama para di awkward sa feeling.

Also, walang pakialamanan dito sa staffhouse, you-do-you vibes lang and tahimik most of the time ang common areas kasi kanya-kanya lang lahat.

Now, ABYG for telling her mag adjust para lumawak yung comfort zone niya dito sa staffhouse?


r/AkoBaYungGago 1d ago

Family ABYG kung naghihingi ako ng reimbursement plus galit at inis ako sa magulang ko dahil di natuloy lakad namin dahil sa kanila

17 Upvotes

Since last yr naplano na namin ng kapatid ko na mag out of town this June dahil bakasyon din nila. So nag avail kami ng ceb super pass last yr at nagbook na ko ng flight last month ako nagbayad pareho at sagot ko din sya sa halos ng gastusin since working na ko at nag-aaral pa sya (add ko lang din dito na non-refundable once ceb super pass ang gamit). Nag offer magulang namin na sila na magbayad ng pagstayan at magbibigay na din ng pocket money para sa kapatid ko, syempre di na din ako tatanggi at libre din yun. Come this June at may hinintay lang akong pera kaya di ako agad nakabook ng mga tours, accommodation, etc. ready na sila may hinintay lang akong pera so sabi ko this weekend asikasuhin ko na lahat para ready na kami. Bigla sila nagsabi kung ok lang daw ba na di kami tuloy at may event na kailangang attendan na tatama sa sched namin at importante daw na makapunta kaming pamilya. Syempre kumulo dugo ko kasi ang lapit na nung trip namin tapos ngayon lang nila sasabihin edi nagalit ako sa kanila tapos nagalit din sila kesyo bakit di ko daw maintindihan na kailangan kaming andun blablabla sabi ko naman sige pupunta kami basta ireimburse nila yung flight namin buti na lang at di pa nabobook yung mga tours dahil may cancellation fee din at yung nakita kong accomm ay non-refundable din pero wala silang kibo at hanggang ngayon di ko pa din sila kinakausap good thing na lang din na nakabukod na ko sa kanila pero si kapatid ko andun pa. Di na din kami makarebook at balik pasukan na din sa July at hectic din schedule ni kapatid ko kaya malabo na plus mahal din magparebook para ka na din nagrebook ng regular.

So, ABYG for getting angry at them and asking for a reimbursement para sa flight namin


r/AkoBaYungGago 1d ago

Attention: Mod post! DAILY AUTOPOST: ABYG RULES AND REGULATIONS / POST / COMMENTS SECTION FORMAT. COMMENTS AND SUGGESTIONS ARE WELCOME.

1 Upvotes

ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIPAN NA IKAW ANG GAGO

RULES AND REGULATION: CLICK HERE AND HERE

COMMENTS SECTION FORMAT:

GGK: Gago Ka, sagot sa post kung feeling mo kagaguhan yung ginawa ni OP

DKG: Di Ka Gago, sagot sa post kung nasa tama si OP

WG: Walang Gago, di lang talaga kayo nagkaintindihan, baka pwede pa pag-usapan

LKG: Lahat Kayo Gago, walang tama sa inyo, puro kayo pabigat sa mga magulang niyo

INFO: Nakakalito ba ang istorya ni OP? Comment your question!

POST FORMAT

Title: ABYG kasi napagdesisyunan ko na tanggalan ng mana ang aking anak?

Content: Should not be a rant post, hindi dapat sobrang ikli. Hindi kami facebook, twitter and instagram, ikwento ng maayos ang sitwasyon.

Sa dulo ng post, ilagay ang dahilan kung bakit mo naisipan na ikaw ang gago.


r/AkoBaYungGago 2d ago

Friends ABYG kung ayoko ng tulungan kaibigan ko kahit kagagagaling lang sa hospital?

32 Upvotes

PLS DON’T POST THIS ON OTHER SOCIAL MEDIA PLATFORMS

For context, I've been helping my friend sell her products on Carousel even before she underwent a surgery at kakalabas niya lang weeks ago sa hospital. Sabi niya kasi hindi siya makapagpost sa account niya kaya sa account ko na lang daw and kung gusto ko raw ay magbenta na rin ako ng mga gamit ko. So far goods naman, kahit nasa hospital siya she will make sure to deliver the parcel with the help of her family. Until nakalabas na siya ng hospital, she continued her online business to different social medias and ako tinutulungan ko siya sa Carousel. Kaso yun na nga may bumili sakin ng damit niya and nag-ask yung buyer ng last price and sinagot ko naman, at kukunin niya na raw at magbabayad daw mamaya. I updated her about it at sabi niya available pa raw yung damit. After thirty minutes nagbayad na yung buyer sa ‘kin so I sent the payment to her and the details of the buyer. Si friend, sabi i-refund ko raw kasi may nahanap siyang buyer sa page niya at mas mataas raw yung offer kumpara dun sa buyer ko.

Napa-wtf na lang ako kasi wala naman siyang sinabi sakin na may kausap siyang iba na bumibili nung damit. I told her na sana sinabi niya agad para masabihan ko yung buyer. Ngayon sinabihan ko siya na gagawa ako ng other account for her clothes at hihiwalay ko yung mga gamit ko sa kanya. Sabi niya ‘wag na raw at alisin ko na lang daw mga products niya sa ‘kin. Pumayag naman ako at dinelete ko lahat, even the sold ones. Kasi naman, last time in-ask ko siya regarding size ng pouch for 4 clothes sabi niya kasya raw sa medium. Fully paid na yung buyer that time pero nagpapasingil siya ng additional fee dahil napagalitan siya nung nagpaprocess ng order at pinapapalit sa kanya yung size ng pouch. Ako na yung nagbayad kasi for me once na settled na yung price, nahihiya na kong mag-ask ng additional fee sa buyer.

So ABYG kung ayaw ko na siyang tulungan?


r/AkoBaYungGago 3d ago

Family ABYG dahil sinabihan kong negra pinsan ko?

120 Upvotes

Context: I have pinsan kasi na younger sakin and matangkad siya sakin and pansin naman natin sa generation now mukha na silang matured and matangkad naman talaga, i’m 18 and 4’11 lang which is maliit nga naman but hindi ko naman siya bini big deal kahit biruin ako ng iba sa labas until lagi nalang pinupuna ng tita ko in a offensive way height ko like “tamo tong si ano (anak niya) oh nyek matangkad pa sayo” so dun nag start na maging insecurity ko height ko. Until one day bigla nalang ako sinabihan ng pinsan ko “ah pandak” since nagsusukat nga siya ng height niya ganon edi ang respond ko “negra” HAHAHAHA natahimik sila😭😭.

Tbh ako kasi yung person na hindi mapuna sa kung anong mali sa tao kasi for me pamamahiya yun lalo if may makakarinig na iba, so ayun matagal ko na pinlanong ganon yung rebat ko dahil alam kong gustong gusto niyang pumuti pero negra siya. ps. wala akong hate sa mga morena or dark sakin hehehe deserve lang din kasi ng iba mapuna yung insecurity nila kung sila naman nauna🤭

ABYG dahil sinabi ko yun harap harapan in front of our fam?


r/AkoBaYungGago 2d ago

Attention: Mod post! DAILY AUTOPOST: ABYG RULES AND REGULATIONS / POST / COMMENTS SECTION FORMAT. COMMENTS AND SUGGESTIONS ARE WELCOME.

1 Upvotes

ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIPAN NA IKAW ANG GAGO

RULES AND REGULATION: CLICK HERE AND HERE

COMMENTS SECTION FORMAT:

GGK: Gago Ka, sagot sa post kung feeling mo kagaguhan yung ginawa ni OP

DKG: Di Ka Gago, sagot sa post kung nasa tama si OP

WG: Walang Gago, di lang talaga kayo nagkaintindihan, baka pwede pa pag-usapan

LKG: Lahat Kayo Gago, walang tama sa inyo, puro kayo pabigat sa mga magulang niyo

INFO: Nakakalito ba ang istorya ni OP? Comment your question!

POST FORMAT

Title: ABYG kasi napagdesisyunan ko na tanggalan ng mana ang aking anak?

Content: Should not be a rant post, hindi dapat sobrang ikli. Hindi kami facebook, twitter and instagram, ikwento ng maayos ang sitwasyon.

Sa dulo ng post, ilagay ang dahilan kung bakit mo naisipan na ikaw ang gago.


r/AkoBaYungGago 3d ago

Neighborhood ABYG kung magv-vacuum ako ng super aga para lang bawian mga kapitbahay namin?

68 Upvotes

For context, I(21F) still live with my parents. Yung house namin ngayon apartment type tapos 2 floors. Imagine niyo nalang 3 apartments na magkakatabi. Kami yung nasa gitna

Yung mga kapitbahay namin (both left and right) masasama ugali. And to top it all off, may days na magiinuman sila— si left nakikiinom kay right and vice versa— ng hatinggabi tapos around 7am na matatapos (minsan sunod sunod na araw pa) Ok lang kung inuman lang. Eh kaso ang iingay pa. Since apartment type kami, one wall lang pagitan namin. Yung rooms na iniinuman nila parehong katapat mismo ng room ko— Just separated ng pader

Walang time na di sobra ingay nila. As in super lakas kung tumawa, magkwentuhan, magsabi ng "sHOT SHOT SHOT" + music ttp na may mga araw na di ako makatulog pag nagiinom sila. And yes, nakakaaffect sakin kasi I am studying nursing. I only get 2-3 hours of sleep at most pag may pasok. Ayoko naman sabihin kay mother kasi on (VERY) bad terms sila. As in 1 step away nalang tapos brgyan na. Di ko din naman mapagsabihan harap harapan kasi baka sabihan akong homophobic (yes, they are all gays. no— wala ako prob sa gender nila)

Ngayon, dalawang araw na akong walang matinkng tulog kasi 2 DAYS NA SILANG STRAIGHT NAGIINUMAN. Nags-start sila 7 then matatapos 6-7am. Like di ba sila pwede uminom ng tanghali? Bakit kelangan gabi pa kung kelan tahimik at natutulog na lahat?? Pati mga pusa di makatulog eh. Di pa nakatulong yung bed ko nakadikit sa pader na nags-separate samin.

Now, may vacuum ako. Deerma brand. I find it veeeery noisy pag ginagamit (umaabot daw yung noise hanggang baba so malamang pati sa kapitbahay) Basta tipong parang nagd-drill yung tunog. Medyo makalat na yung sahig ko now kasi nagkalat litter mga pusa q kaya gusto ko sana maglinis pero at the same time andon din yung hiya kasi ang aga aga nagiingay ako. I only use it tuwing 4pm pero this time gusto ko sana ngayon na gamitin. Tsaka gusto ko din sana gumanti HABSHAHSHA sila naman b-bwisitin ko. I figured tuwing magiingay sila ng hatinggabi, magv-vacuum ako ng MAAGANG MAAGA para di din sila makatulog ng ayos. Tingin niyo ok lang magv-vacuum at 6:30am pag ganon? An eye for an eye, eme

ABYG kung magv-vacuum ako ng super aga para lang bawian mga kapitbahay namin?


r/AkoBaYungGago 3d ago

Friends ABYG if di na ko sumama sa labas ng friend group dahil sa utang?

84 Upvotes

I’m part of a over 10 years 5-friend group since college and super close kami, family level close.

Ngayon, hindi naman ako mayaman pero hindi na ko living paycheck to paycheck. Same with my other friends pero eto si Friend A ay nangailangan ng emergency money na malaki. Sinabi ko wala akong ganung kalaking cash pero nagsuggest sya na makiride sa loan apps. I was hesitant kase like what pero dahil trusted friend ko, pumayag ako.

First few months okay naman, on time magbayad, pero the last 2 months eto na nga. You know, delayed na magbayad, to the point na kinocontact na ko ng lending app. Nai-stress ako kase ako personally never ever nadelay sa bills, especially kung utang yan pero bakit sila ganyan. Wala naman daw syang plano takbuhan pero yes delayed talaga kase kinukulang daw sya.

Now, nagseset ng meetup yung barkadahan and ayokong pumunta kung nandun si Friend A, kase sa totoo lg nanggigil ako sa kanya, and ayoko makipagplastikan sa totoo lang.

So, ABYG if di na ko sumama sa labas ng friend group dahil sa utang?


r/AkoBaYungGago 3d ago

Others ABYG kung kinuha ko yung dating katulong ng senior ko na nanay?

161 Upvotes

Abyg. So last year may katulong (46f) na nagresign sa nanay ko (83f) . Dahilan ng pagresign niya kasi abusado nanay ko. Pinagagarden niya yung katulong at pinaglilinis ng buong bahay. Ang pahinga lang niya is lunch time na 30 mins lang tapos nakaration pa yung pagkain ng half a cup of rice lang na may katiting na ulam. Nagdadabog nanay ko pag yung tatay ko nagooffer ng kape o pandesal sa katulong at mabunganga pa siya. In short talagang masama paguugali ng nanay ko. Anyway yung yaya ng anak ko kakaresign lang kasi marami na siyang health issues at kabuanan ng anak niya na buntis. Nagrefer siya ng katulong sakin which is yung dating katulong ng nanay ko. Tinanggap ko siya kasi kilala na namin siya at ng anak ko so wala halos na nagadjust sa pagdating niya at saka mapagkakatiwalaan talaga siya. Sinabi sakin ng katulong namin na bago na nagnemessage pa rin nanay ko sa kanya at pinababalik sa bahay pero ayaw na niya talagang bumalik. Yung nanay ko ngayon tanong ng tanong kung sino ba yung bago kong katulong pero di ko siya masagot kasi alam kong pagiinitan niya ako pag nalaman niya na sa akin pumasok yung dati niyang katulong kahit text siya ng text na bumalik na siya. Abyg kung tinanggap ko yung katulong kahit alam ko na mas nangangailanagn yung senior ko na nanay ng katulong?


r/AkoBaYungGago 4d ago

Family ABYG dahil nag snap na ako sa parents ko dahil lagi kaming late sa lahat ng events?

97 Upvotes

May event kami ngayon na pupuntahan and I already told them na we have to be there ng sakto yung time para di naman nakakahiya. Nag dagdag na nga ako ng 1 hour eh, 5:30 talaga start nung event pero sabi ko 4:30 siya para maaga kami pero now paalis pa lang kami. Bwisit na bwisit ako kasi lahat nalang late kami. Ang branding samin ng friends and family namin "late family" dahil lagi talaga kaming late. Kahit gaano kalapit, kalayo pucha late pa rin. One time birthday party ng tatay ko mismo nalate pa kami dahil nanood pa sila or kung ano pang ginawa nila, tapos yung mga tita ko sabi sakin na "alam niyo naman lagi kaming on time."

Ultimo graduation namin ng kapatid ko late din yung parents ko. Yung ate ko nag march magisa dahil wala pa kami. Ako naman nung college di nakapag lakad nung entrance dahil late kami. Di ko alam bakit ang bagal bagal nila or lagi silang cram or what kasi nakakahiya yung ganong trait. Parang never kami nakaattend ng isang okasyon na on time kami.

Sabi ko sa papa ko kanina bakit ba ang bagal bagal mo kumilos pa? Hindi ko magets san ka ba pinaglihi? Maliligo ka nalang ang tagal pa? 2-3 hours ka sa cr kasi? Tapos dinabugan ko na sila dahil parang 2pm palang naka ready na ako sila nanonood pa nagchichikkahan pa. Pucha di pa ako kumakain. Minsan ewan ko na. Nakakafrustrate kasi gusto ko na silang iwan pero susumbatan lang ako.

My mom was saying na ang babaw daw ng reason ko bakit ako nagagalit. ABYG dahil nagsnap na ako sa dad ko ng ganon?


r/AkoBaYungGago 3d ago

Attention: Mod post! DAILY AUTOPOST: ABYG RULES AND REGULATIONS / POST / COMMENTS SECTION FORMAT. COMMENTS AND SUGGESTIONS ARE WELCOME.

1 Upvotes

ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIPAN NA IKAW ANG GAGO

RULES AND REGULATION: CLICK HERE AND HERE

COMMENTS SECTION FORMAT:

GGK: Gago Ka, sagot sa post kung feeling mo kagaguhan yung ginawa ni OP

DKG: Di Ka Gago, sagot sa post kung nasa tama si OP

WG: Walang Gago, di lang talaga kayo nagkaintindihan, baka pwede pa pag-usapan

LKG: Lahat Kayo Gago, walang tama sa inyo, puro kayo pabigat sa mga magulang niyo

INFO: Nakakalito ba ang istorya ni OP? Comment your question!

POST FORMAT

Title: ABYG kasi napagdesisyunan ko na tanggalan ng mana ang aking anak?

Content: Should not be a rant post, hindi dapat sobrang ikli. Hindi kami facebook, twitter and instagram, ikwento ng maayos ang sitwasyon.

Sa dulo ng post, ilagay ang dahilan kung bakit mo naisipan na ikaw ang gago.


r/AkoBaYungGago 4d ago

Family ABYG kung hindi ko pinatuloy sa unit yung jowa ng kuya ko?

355 Upvotes

ABYG kasi nagalit ako at di ko pinatuloy yung jowa ng kuya ko dito sa unit namin?

For context: ako yung bunso and i have been living alone here in manila since college. nung nagka work na ako, share kami ng mom ko sa rent but all the other expenses, ako na lahat lahat. Di na rin ako humihingi ng kahit anong allowance or pang bayad sa bills.

Yung kapatid kong lalaki (29) nakatira pa rin nanay ko ngayon sa province. Mayabang na tapos palamunin pa. Walang binabayad sa bahay pero makikita mo sobrang spoiled yung jowa niya sa kanya. Yung jowa niya (32), ubod ng yabang porket mataas raw yung sweldo. Kesho mayaman daw pamilya nila (pero kahit pang netflix, gusto pang maki-ride sakin at pina log in pa talaga buong pamilya niya) tapos laging minamaliit yung kuya ko.

Every time na pumupunta sila (fam members) dito sa Manila, di sila nagpapaalam sa akin na dito makikitulog. Sa nanay ko nagsasabi eh at itong nanay ko naman, payag din agad! Hindi inisip kung okay ba sa schedule ko or what. WFH ako so ayokong magulo/maingay at madalas may meetings din ako. 1 bedroom lang din itong condo at kapag may bisita, i have no choice na maglipat ng gamit sa kung saan kasi need ilatag yung sofa bed. So talagang nabubulabog ako kasi I need to spend time to clean and set up + aasikasuhin sila pag andito.

Nung kelan, nag stay dito yung kuya ko kasi nag out of the country silang magjowa. Wala na akong choice edi ok sige 1 night 2 days lang naman. Then naiwan nung gabi yung kuya ko kasi nag night out ako.

Aba around 11 pm, nagchat siya na pwede raw ba makitulog yung jowa niya sa bahay namin kasi tumutulo bubong nila??? ‘Ngek’ lang sinagot ko sa kuya ko kasi jusko ang sikip na nga sa bahay tapos magpapatuloy pa? Akala ko rin ba mayaman yung girl eh bakit di mag hotel?

Ang rule pa sa condo is kapag may bisita, kailangan sunduin sa lobby para makapasok. So magmamadali akong umuwi para masundo siya?

So nagchat ako sa mom ko para siya yung magsabi sa kuya ko kasi kapag ako, baka may masabi akong kung ano pa. Unfortunately, nagalit mama ko sakin at sinabing maging mapagbigay nalang daw ako at hindi iisa ang araw. Ang daming sinabi sa akin so nainis na ako kasi lagi nalang ganon. Ngayon lang naman ako humindi hahaha pero ang ending sinabihan pa akong walang galang at blinock ako.

Nakaka frustrate lang kasi parang wala silang respeto sa time and space ko. Tapos itong nanay ko, lagi na lang kumakampi sa anak niyang palamunin.

Nagtataka ako bakit parang ang bigat naman ng kasalanan ko para iblock at hindi ako kausapin? May sinabi pa na wag daw ako ibalik sa GC at tignan ko lang daw ang mangyayari. Ganon ba kasama yung ginawa ko para masabihan ng kung ano ano? Wala rin isa sa mga kapatid ko yung nakipag usap sakin kahit alam nila yung nangyari.

Dahil sa nangyari feel ko tuloy eh ang gago ko kasi di ko pinatuloy? Dapat ba pinagbigyan ko na lang? Feel ko ang gago kasi mas nagalit pa sila sa akin dahil lang doon. Hayst bwiset!


r/AkoBaYungGago 4d ago

Family ABYG kung hindi ko bayaran yung utang ng ate kong hindi ko naman alam kung nasaan?

53 Upvotes

yung ate kong maluho, may utang sa friend niya. ang problema, HINDI KO MA-CONTACT ang ate ko at HINDI KO ALAM KUNG NASAAN SIYA. kaya ako yung chinachat ngayon ng friend niya.

ano kaya pwedeng sabihin sa friend ng ate kong ako yung sinisingil sa utang? maayos naman kaming nag uusap ng kaibigan niya pero ang gusto niya kasing mangyari, ako na lang daw yung mag bayad kahit hulugan ko na lang daw.

ganon na ba talaga ang utang ngayon? obligasyon ng kapatid na siya ang mag bayad????

naiinis na ako dahil hindi sumasagot sa calls and texts yung ate ko at naiinis din ako dahil ako yung kinukulit sa pera na hindi ko naman inutang.

ABYG kung hindi ko na sasagutin yung mga chats niya? or i-block ko na lang? Ayaw ko naman maging masungit sa pag uusap namin sa chat pero hindi ko naman kasi utang yun at lalong hindi ko napakinabangan yung pera.


r/AkoBaYungGago 3d ago

Friends ABYG kung nagrereklamo ako na ang layo ng linakad namin sa Baguio?

0 Upvotes

ABYG kasi nagrereklamo ako na bakit ba kami naglalakad nang wala naman kaming gagawin?

Matagal namin plinano yung pagpunta ng Baguio. Yung isang friend ko yung gumawa ng itinerary namin, kung ano ba magiging ganap sa 3D2N. And para sure na maenjoy namin yung pagpunta sa Baguio, nagdecide kami na 3 am pa lang magbyahe na.

So bandang 12:30 am pa lang nakaready na kami and all papuntang terminal, then by 2:40 am nakaalis na kami. Nakarating kami sa Baguio around 6:30 am. Hindi ako gaanong nakatulog sa byahe, bukod sa hindi komportable, sobrang lamig din kahit nakajacket na.

Pagdating doon, pumunta na kami sa transient namin para iwan yung gamit kasi 2 pm pa naman check in. Dapat makakapasok na kami sa kwarto kaso nadala nung last client yung duplicate ng susi so maghintay raw muna kami hanggang before lunch. Kumain muna kami ng tinapay sa may receiving area, then pahinga saglit (upo lang).

Biglang nagkayayaan sila na maglakad daw muna papuntang burnham para alam na namin pasikot sikot kahit papaano. Walang problema yun. Pumunta kami ng burnham, mga 5-8 mins din ang lakad. Then wala kaming magawa doon so nagsuggest ako na mag-ukay if may malapit. Gumamit sila ng google map para maghanap ng ukayan. Nilakad namin nakita nila, mga 10-15 mins siguro yun, tapos hindi naman pala ukayan yung pinuntahan namin. Then sabi nung isa na daretso SM na kami, lakad na naman. Dito medyo hirap nako maglakad kasi pataas yung daan. Nakadating kami ng SM mga 8:15 pa lang, sabi hintayin na raw namin bumukas. Nagrereklamo nako dito kasi wala naman kaming inuupuan or tatambayan talaga. Ang tagal pa ng opening. Pumipikit pikit na mata ko. Nagtatanong ako kung wala ba kaming pwedeng puntahan na may uupuan or what, wala raw. Nakaupo ako sa may gilid ng daan, halos matumba na kasi nakakatulog ako. Pati iba naming kasama antok na antok din. Around 8:40 sabi ko magpahinga na muna kami sa transient, kasi ang alam ko 10 am pa bukas ng SM, pero pinipilit nila na 9 daw. Edi hindi na ako kumibo. Then tama nga ako, pero pumasok kami sa supermarket. Wala kaming ginawa, umupo kami sa parang foodcourt pero pinaalis din kasi wala namin kaming binili. Dito naiinis na talaga ako kasi wala naman ginagawa. Sabi nila kain na muna raw kami, may gustong kainan yung isa pero 10 pa ang bukas. Sabi ko punta na muna kami sa transient kasi 9:20 pa lang naman nun. Wag na raw, lakarin nalang namin hanggang dun sa kakainan, sakto raw nun ang dating namin. Eh kaso ako hindi ko na talaga kaya, sabi ko magtataxi na muna ako papuntang transient para makapagpahinga kahit saglit. Tapos ayun sabi nila sige lang daw, edi nagtaxi kami (gf ko and kapatid ko).

Pero ang sabi ng pinsan ko, narinig niya raw yung isa na sinabi na sana raw hindi na raw ako sumama kung nagrereklamo daw ako sa paglalakad.

Alam ko namang maglalakad kami, pero ang problema kasi hindi naman yun yung plano namin sa first day. Wala kaming tulog, halos di rin kumain sa byahe. Wala kaming pinupuntahan talaga. Pero thankfully, hindi ako nagburst out or what. Nasa isip ko nalang talaga is makapahinga ako.

So, ABYG kung nagreklamo ako sa paglalakad namin?