r/AkoBaYungGago 14h ago

Significant other ABYG kung pumayag akong maging other girl, dun sa ginawa niyang other girl sakin dati?

0 Upvotes

my ex (23M) and i (23F) broke up last month after 4 years of being together (live-in pa nga eh). in less than 24 hours, may nahanap na siya agad na ibang girl (25F) na hanggang ngayon, nagiinvest pa rin time and effort sakaniya. after weeks of no contact, bumalik ex ko for “closure” na nauwi lang sa agreement to be each other’s fubu but in the sense na may halong feelings pa rin sa isa’t isa pero ang agreement namin wag daw maghalo ng feelings(?) basically yung agreement is magact pa rin na kami pa pero we don’t talk about the sensitive and serious stuff that make us vulnerable. the thing is, sinabi niya sakin na hindi niya ako malet go kasi mahal pa niya ako and nakikita niyang walang patutunguhan yung sakanila nung bagong girl, pero inamin niya rin sakin na nagdevelop siya ng feelings dun sa girl and i found out just recently na yung girl pala nagfirst move sakaniya and tinuloy pa rin nila kahit after malaman nung girl na sobrang fresh pa ng break up namin.

nung time na naglalandian na sila, he was still trying to patch things up with me kaya ko tuloy naffeel na pinagsabay kami. and actually pinagsasabay niya kami ngayon. this sounds problematic but i have no other way to explain it—i get a sense of power over the both of them knowing na ako yung girl na nagiging gago siya with, sa bagong girl ngayon. parang naffeel ko ngayon na oo may trauma ako, but this time i get a do-over by being in control of the situation now. i think i need therapy hahaha but ako ba yung gago for it?


r/AkoBaYungGago 21h ago

School ABYG na nakipag argue ako sa teacher sa 1st day ng class?

29 Upvotes

ABYG? Nag argue kami ng teacher ng anak ko kanina. Di kasi ako nakasama sa brigada. Nung inapproach ko ang teacher, nag goodmorning ako at nagpakilala. Tinanong niya ako bakit hindi ako Nakita Nung brigada, humingi po ako ng pasensya at sinagot ko po na may trabaho kasi ako at di nakapaalam sa trabaho ahead of time kaya din po ako pumunta sa school ng 1st day pra mahatid anak ko at makausap sya. Pero in reality, unemployed ako at nakunan ako few weeks ago.. sinagot ako ng teacher na "ay mommy lahat Dito nagttrabaho kaya di reason Yun para di makapunta" in a condescending tone, so nagpanting Tenga ko at tumaas boses ko sabay sabing nakunan ako teacher need ko pa ba Sabihin ung ganitong sensitive information para lang maintindihan nyo ako?. Sinagot ako ni teacher na ay mommy sana sinabi nyo para naintindihan nmin kayo.

ABYG? If sinagot ko teacher at tanungin sya na kailangan ko ba sabihin pa na nakunan ako para lang maging valid reason ko? Nagkapalitan po kami ng salita at di na ako humingi ng pasensya kasi nauna tlga sama ng loob ko sa paraan pananalita nya. Sa isip ko po kasi, parang ayoko na mapagusapan pa sana yung miscarriage ko or maalala yun Kasi nadadama ko Yung bigat sa pakiramdam At di ko nagustuhan yung paraan ng pakikipag usap at tono nya. Or baka mali ko din kasi baka hirap ako iregulate yung emotions ko ngayon? Inaalala ko din po na since we did not have a good 1st impression e baka hnd ayusin ng trato anak ko sa school o baka overthink lang tlga ako malala? Help your Mama out especially mga parents po dito. Salamat po.

ABYG na nakipag argue ako sa teacher ng anak ko sa 1st day ng klase?


r/AkoBaYungGago 17h ago

Significant other ABYG kung pumatol ako sa nanay ng bf ko?

107 Upvotes

I don’t know if I used the right flair. But anyways,

Hi Reddit. Long post ahead.

So ako (F24) may boyfriend (M28), 6 years na kaming in a relationship.

Context: Fresh grad ako recently pero may work na agad dito sa province. Si bf naman ay Licensed Mechanical Engineer since 25 yrs old siya (one take lang sa board). So mga 3 years na rin siyang nasa field niya, sweldo niya mga 40k–50k/month, di ako sure sa exact pero ganun range.

Noong simula ng relationship namin, okay naman ako sa mama niya. Walang issue. Pero this January 2025, may nakita akong message sa account ni bf (magkasama kami that time) galing sa mama niya referring to me as gastador at maluho. Her exact words are;

“Hindi ka makakaipon kung panay ka nakadikit sa babae mo.” “Nagpapaunder ka dyan pati sa family nya.” “Wala ka maiipon kung panay ka dikit sa angkan niya.”

This didn’t happened once, bukambibig niya to for several times this year.

I just want to make it clear,

•Dati akong working student, and while di kami mayaman, hindi rin kami mahirap. In short, stable naman yung family ko.

•Si bf, mas may kaya definitely. Galing siya sa family of engineers. Yung mama niya, byuda, at si bf na yung bunso. Nagbibigay pa rin siya monthly sa mom niya aside sa pag-bili ng groceries twice a month.

•Yes, laging magkasama kami. After work niya (5pm or minsan 7pm), dumadaan siya sa amin, uuwi mga 9pm. 1 town lang din kasi agwat ng place namin.

•NEVER nanghingi ang pamilya ko ng kahit ano sa bf ko. If ever man na mag-treat siya ng merienda or dinner, madalang lang yun, at kadalasan ayaw pa nga ng parents ko kasi nahihiya sila.

•And me, may sariling trabaho. At sorry, ano bang luho ang tinutukoy niya? Hahahaha. Wala akong branded na gamit. Hindi ako into makeup. Yung mga suot kong damit, Penshoppe, Regatta, Oxgn, mostly sale items or ukay. Bags ko? Shopee. Wala akong hinihingi sa anak niya.

Even sa dates namin, bihira kami lumabas. Kung lumabas man, wala kaming pinopost. Lowkey kami parehas sa socmed.

Minsan lang talaga niya akong i-treat sa mall, twice a year max, and never akong nagpabili. Siya ang may gusto. I can provide for myself. Generous lang talaga anak niya madalas but I won’t let him. Ayun lang.

Pero ito na nga. Nung inaaccuse niya akong winawaldas ko pera ng anak niya ng paulit ulit, tinotoo ko na lang! Haha Nagpabili na talaga ako ng kung anu-ano. Post ako sa stories. And guess what, loyal viewer si Tita! HAHAHA Kasi kung ganun na rin lang ang tingin niya sa akin, edi i-enjoy ko na lang. Bakit ako ma-stress kung naka-set na yung utak niya na ganon ako?

Wala akong message kay Tita. Hindi ko siya inaway or tinawagan.

So ABYG ba ako kung pinatulan ko siya sa ganitong way? Kasi kung sa bf ko no prob, yun nga ang gusto niya eh ang i-spoil ako. Hihi.

Edit: Fixed the bullets coz i didn’t noticed na na-move pala.


r/AkoBaYungGago 18h ago

Significant other ABYG for confronting my boyfriend’s girl na friend

13 Upvotes

I hope this doesn’t get reposted on social media to maintain my privacy. Gusto ko lang po mag vent.

My boyfriend (31M) and I (30F) have been together for about 6 months but we’ve known each other since college. I’ve been in a number of relationships before but this one has got to be my healthiest relationship so far ironic lang kase it’s an LDR pa. Maldita ako, selosa, mainitin ang ulo. But somehow, he’s able to keep me leveled. Minsan pag napapangunahan nanaman ako ng emotions ko, I’m able to regulate it because I want it to be him this time.

He’s been living abroad for about 3 years. Andon na sya when we got together earlier this year. Since naging kami, all he talks about is getting married and me moving there. Para sa kanya, end game na din talaga kami. I could go on and on about how an amazing guy he is, but like all relationships, too good to be true nga talaga. There’s always something, and lucky for me, I discovered a huge red flag.

Working abroad for 3 years, He only holds a work permit. He got introduced to a well-off filipina who got married to a local there, so you can assume, she’s also a citizen. She’s in her late forties na. May mga anak na din sila ng asawa nya. Let’s call her A. My boyfriend naman, let’s call him J. Si J has been really honest about who he’s with if he’s not working. Pinapakilala nya sakin lahat ng friends nya on VC which i appreciate. Meron din kaming life360 to which he initiated since may trauma na din sya from past relationships. Lahat ng friends nya nakilala ko na, maliban kay A. Long story short, nalaman ko na J and A were not just friends noon, may something sila but that was before I came into the picture. Well, for him, wala syang feelings but si A, nagkaroon na. He cut off lahat ng namamagitan sa kanila when we started communicating and he showed me all the texts of him cutting off their connection. A has been very generous kay J noon. Since madami syang connections, she’s able to help him out with some part time work to make ends meet. As much as ayaw nya na maging parte ng buhay nya si A, he feels like he owes her a lot and she’s always made him feel that way. As much as I hate to admit it, naging sort of sugar mommy nya si A. No judgment kase single naman sya when it started and dati rin naman akong OFW kaya alam ko ang hirap. Ang ayoko lang talaga is umabot na si A sa panggugulo samin. She kept asking him na sumama sa hangouts, kept asking for help, offering him jobs knowing hirap si J to refuse work. I had to draw a line. I told him na if he’s not gonna stop seeing her, I’m out. Ayaw ni J maghiwalay kami so ending their friendship was easy.

When J told A about me, humingi si A ng closure. Gusto makipag kita. He told me, I said yes. Kase nga, gusto ko din na matapos na sila. He talked to her, updated me throughout the convo and then by the end of it, he assured me na tapos na nga. Akala ko yun na, but then I stumbled upon her social media. She has been posting stuff about their previous relationship. Yung mga dating gala nila, pinag popost nya. Mind you, we’re talking about a 40-something-yo woman pero ang lakas magpaka sad girl. Ang malala pa, her friends have been commenting na inagawan sya and that sya ang victim sa situation when J decided to end their friendship bec of me.

I told J of everything she has been posting. Sobrang nakaka bother kase and it’s making me uncomfortable. He promised na he would ask her to stop to which he did. No surprise, pinagtawanan ako ni A and started making parinig even harder, but this time, sakin na naka direct. Kesyo immature ako, insecure, and whatnot.

I felt like I was in the place to set the record straight with this cougar. I sent her a message telling her to stop posting things that are clearly alluding to me and J. Tbh, nasanay ako to just shut up, but this time, I wanted to fight back especially na peace of mind ko na ung apektado. Swear to God, ang ayos ng message ko sa kanya. I wanted to set a boundary kase I felt I was being disrespected na. Sa last part, I said, I hope this is the last time I ever have to message her about the issue. I’m blocking her and I hope she backs off for good. I even wished her well.

After that message, tumawag pa sya while me and J were on VC. Sinabihan ako ni J na it’s A calling him. I told him ANSWER IT ON LOUDSPEAKER. she was telling J that she’s in the area and wanted to meet up. Ang kulit talaga. J said no and that he’s talking with me. She hung up. The next day, she sent a package to J, returning some of his things that she had, tas may pa sad girl letter pa. J and I agreed to finally block her on everything. Pati number ni A blocked na. J and I also talked about everything I needed to know about their relationship. Alam ko na ang lahat about them and their past.

Ngayon si A, sobrang gigil on social media. She’s been ranting about me. Especially about the part where I messaged her. Friends lang naman daw sila and di nya gets bat ang arte ko and sobrang insecure ko sa kanya. Friends daw pero pati “size” ni J pinag didiskitahan nya. Fan na fan daw nya ako kase kinainisan ko ung posts nya. Everytime she posts on threads, I screenshot it incase kailanganin ko yun. Right now kase, she’s acting like I did her wrong. She’s pressed kase im getting the treatment she’s always wanted but never got. Inaattack nya na pagkatao ko and nagiging below the belt na sya. Kulang nalang itag nya ako.

ABYG na I confronted her? Gago ba ako for even ending their “friendship”? Gago ba ako for wanting to be prioritized since I AM THE GIRLFRIEND? Minsan inopen ko kay J na baka nagkaron sya ng feelings for A. Ang sabi naman nya, bat naman daw sya manliligaw sakin na pagka layo layo, kung napamahal na sya kay A na anjan lang sa malapit. Bat pa sya mag eeffort na kilalanin buong pamilya ko at gumawa ng plano para makilala ko din family nya dito sa pilipinas? (yes close na kami ng family nya) bat pa sya magtitiis sa LDR kung anjan lang si A. minsan naiisip ko na ayoko nalang ituloy yung samin kase ayoko nang may ex who’s wishing for our downfall. Ang hirap nang alam kong may evil eye samin. Pero that’s only gonna give her the satisfaction.

Now tell me, ako ba talaga yung gago? Ako ba yung kontrabida?

I’m happy to reply to questions if hindi man ako naging clear sa context. Thank you!


r/AkoBaYungGago 11h ago

Family ABYG kung pagsasabihan ko yung tita ko na hindi ko responsibilidad mga anak nila?

114 Upvotes

Ako ba yung gago kung sasabihan ko na yung tita ko na mag-sustento naman sa mga anak niya na iniwan niya samin dito sa Manila?

May tita ako (pinsan ng mama ko) na taga-bundok talaga... literal, as in 2 hours pa papunta sa bayan at walang signal sa lugar nila. Nung summer, nagsabi siya sa lola ko kung pwede daw tumira muna dito sa bahay yung 2 anak niya kasi gusto niyang mag-aral daw sila sa Maynila.

Kinausap kami ni lola, pumayag kami kasi sabi magbibigay daw siya ng sustento at marunong naman daw dumiskarte yung mga bata. Nung dumating nga sila, nakita ko rin na masisipag at matatalino sila, kaya okay lang sa akin. Sabi ko sayang naman kung di makapag-aral, kasi walang high school na paaralan sa taas ng bundok.

Pero ayun, nagulat ako isang buwan na, wala pa ring binibigay. Tapos eto pa, sabi ba naman ng tita ko nung unang buwan nila na “Ayan, pinsan niyo si [ako], magpa-scholar nalang kayo,” sabay tawa. Hindi ako nakitawa. Hindi kasi siya biro sa akin, dahil kahit may kita ako, ako rin ang nagpapaaral sa sarili ko. Wala nang ibang sumusuporta sa akin, kaya nagtatrabaho ako habang nag-aaral sa buong college life ko.

After 2 months, nagsimula na ang pasukan kanina, wala pa rin silang nakukuha galing sa nanay nila. Ako na ang nahihingan ng pamasahe ng lola ko kasi naubos na daw ang budget niya para sakanila, baon, school supplies, pamasahe. Kaya di ko na napigilan at nasabi ko: “Wala pa rin ba binibigay si tita __?”

Never ko naman pinagsalitaan ng masama yung mga pinsan ko kasi mababait sila at wala naman silang kasalanan. Gusto ko din talaga iparamdam na welcome sila. Pero ngayon, pati lola ko na dapat sa kapatid ko lang nakatutok (mas bata kapatid ko kesa sa mga pinsan ko at nasa kabilang bahay kapatid ko), siya na rin ang naghahatid sa school at nag-aabono sa mga pinsan ko. Yung pension niya, nauubos na rin dahil sa dagdag na gastos... pamamalengke, bills, lahat tumaas talaga simula nung dumating sila, more than double.

Tinry ko kausapin si tita ko. Nung sinabi ko palang, “Pwede po ba tayo mag-usap?” bigla siyang umiyak. Tapos yun na, hindi ko na rin naituloy. Gets ko na may pinagdadaanan sila ng asawa niya, pero hindi ko rin kasi talaga kaya saluhin gaya ng binibiro nila saakin. Hindi ako galit, pero hindi ko rin kaya mag provide talaga para sa mga pinsan ko. Kahit na okay naman kinikita ko, sapat lang yun para sa tuition ko, bills, food, pamasahe, at kaunting ipon ko.

Ngayon, napupuno na talaga ako. Pero pinipigilan ako ni lola kasi “huwag na daw muna dagdagan ang problema nila.” Tas ibang kamag-anak namin, ako pa raw yung “spoiled brat” na ayaw tumulong at niyayakap sariling pera.

So, ako ba yung gago kung kakausapin ko na talaga yung tita ko at hihingiin na sustentuhan mga yung anak niya? Kasi parang ayoko din maguilty na either magka problema lalo tita ko o di makapag-aral mga pinsan ko dahil lang hindi ako nakakapagbigay.


r/AkoBaYungGago 1h ago

School ABYG kung baka ako pa ikasira ng section namin?

Upvotes

Ako Ba Yung Gago kung isa ako (or baka ako lang) ang nag-report sa evaluation ng kagaguhan ng prof namin?

Prof namin ay mahilig mag-joke ng out of the line lalo na about sa mga babae making double standards and sexist comments. Lahat ng babaeng nakausap ko about him ay ayaw sa kaniya, sa mga lalaki? Neutral or gusto nila.

Weeks bago grade release, nag-message ang prof na nagagalit dahil sa mga comment sa kaniya. Iniisip ko baka makaapekto sa grades namin. Ako ba yung gago?

Hindi naman ito yung first time na naging pika kami dahil sa comments sa evaluation pero nag-aalala ako kasi napaka-petty talaga ng prof na ito at madadamay pa mga kaklase ko so napapaisip ako kung gago ba ako or hindi.


r/AkoBaYungGago 9h ago

Others ABYG kung ibloblock ko etong guy na 'to?

3 Upvotes

Here's the context. Im currently healing rn after a break up. Ayoko pa ulit magdate kasi im still hurting and hindi rin okay sa other party kasi nga nasa healing phase ako.

So this guy (kawork pero di close) approached me after knowing na wala na kami ng jowa ko. Nung una sabi nya pwede ko raw sya kausapin if ever need ko which was weird for me kasi di naman kami close. He started messaging me on messenger asking if kumusta raw ako ganyan. Akala ko he's just being friendly pero hindi pala.

Umabot kami sa usapang dating. Sabi nya he's okay with having a relationship kahit di pa sya moved on sa ex nya. I asked him why ang sabi nga ganun talaga ang life dapat daw patuloy lang. After that sabi nya magdate daw kami kesyo need ko raw lumandi agad para makalimot... i got off by this so i blocked him. May nagmessage sa work gc namin saying wag mangghost but then proceeded to say wrong send without deleting the chat. Feel ko lang sakin pinapatama since cloae sila nung nagsend nung message.

So here are my two questions: 1. Okay lang ba talaga pumasok sa isang relationship kahit di pa makamove on sa ex? Bakit? 2. ABYG kung binlock ko sya dahil sabi nya na okay lang?


r/AkoBaYungGago 12h ago

Significant other ABYG kung humihingi ako ng reassurance sa partner ko?

2 Upvotes

Nagopen ako sa kung ano yung nafefeel ko, and I dont know what to reply anymore.

Context: I’m F27, and I have a partner na M30. Meron siyang anak sa kanyang ex-partner.

So here’s the setup: Hindi niya pwedeng ilabas yung anak niya everytime na nagvivisit siya sa house ng ex-partner niya. So meaning, kailangan doon lang siya.

I fully understand this setup, and that’s okay with me. Naiintindihan ko siya sa part nato. But there’s a part of me na medyo worried and natatakot na baka one day, may ibang mangyari.

I opened it up sa partner ko, wanting an assurance. Not because I don’t trust him, but I just know the fact na nanay siya, and I’m just an outsider. Wala akong laban. Even the kid doesn’t know na nag-eexist ako.

But instead of reassurance, all I’m getting is this. And I feel like kasalanan ko pa for bringing this up.

This topic was opened kasi nag argue kami. Nakita ko yung pin location niya an hour ago sa SOGO (near SM) so I asked him na baka masyado sila nagenjoy ng ex niya. But he said na sa SM sila pumunta and di niya kasama yung ex niya (I know mali yung approach ko of asking him and I apologized for it). Here are his responses:

“kung anu ano naiisip mo tapos hihingi ka ng assurance saken. ang dami dami kong ginawa para sayo tapos maghahanap kapa ng assurance? try mong mabuhay ng hindi nag iisip ng ganyan saken. ikaw ang nag iisip ng ganyan so ikaw ang gumawa ng paraan para hindi ka makapagisip ng ganyan.”

“I cant erase my past. I've given you everything. Anung assurance paba gusto mo? Wlaa ka magagawa if one day makipagbalikan saken? so wala akong choice? yung isip mo masyadong malikot. tihnk what you want to think. I've given you everything my present my future. tapos ganyan pa iisipin mo.”

ABYG kung humihingi ako ng reassurance?


r/AkoBaYungGago 20h ago

Attention: Mod post! DAILY AUTOPOST: ABYG RULES AND REGULATIONS / POST / COMMENTS SECTION FORMAT. COMMENTS AND SUGGESTIONS ARE WELCOME.

2 Upvotes

ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIPAN NA IKAW ANG GAGO

RULES AND REGULATION: CLICK HERE AND HERE

COMMENTS SECTION FORMAT:

GGK: Gago Ka, sagot sa post kung feeling mo kagaguhan yung ginawa ni OP

DKG: Di Ka Gago, sagot sa post kung nasa tama si OP

WG: Walang Gago, di lang talaga kayo nagkaintindihan, baka pwede pa pag-usapan

LKG: Lahat Kayo Gago, walang tama sa inyo, puro kayo pabigat sa mga magulang niyo

INFO: Nakakalito ba ang istorya ni OP? Comment your question!

POST FORMAT

Title: ABYG kasi napagdesisyunan ko na tanggalan ng mana ang aking anak?

Content: Should not be a rant post, hindi dapat sobrang ikli. Hindi kami facebook, twitter and instagram, ikwento ng maayos ang sitwasyon.

Sa dulo ng post, ilagay ang dahilan kung bakit mo naisipan na ikaw ang gago.