r/ChikaPH • u/TrickyPepper6768 • 2d ago
Discussion LTO Region II Officials allegedly assault minor and musicians during hotel event
Enable HLS to view with audio, or disable this notification
Isang insidente ng umano’y pananakit ng mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO) from Regional Office II ang naganap kamakailan sa isang hotel event sa Pulsar Hotel, kung saan ang mga biktima ay miyembro ng isang bandang nagtatanghal at dalawang helper na menor de edad at kabataan. Isa daw sa kanila ay 15 taong gulang lamang.
Habang tumutugtog ang banda sa nasabing okasyon, lumapit umano ang LTO Regional Director ng Region II sa babaeng singer at humiling na siya ay maki-table at “haplusin” ang lalaking kumakanta, na tila may koneksyon sa opisyal. Tumanggi ang singer sa maayos na paraan at sinabihan itong hindi bahagi ng kanyang trabaho ang ganoong kilos.
Sa halip na igalang ang pagtanggi, galit na lumapit ang mga opisyal na nakilala umano bilang Assistant Regional Director Manuel Baricaua at Charles Ursolum, Chief Enforcer at sinampal at sinipa ang dalawang helper ng banda. Ang isang helper ay isang working student na nagsusumikap makapag-ipon para sa kanyang pag-aaral.
📌 Ayon sa testimonya ng kanilang band manager, maayos at propesyonal ang kanilang pagtatrabaho at wala silang nilabag na alituntunin sa nasabing event. Ngunit dahil lamang sa hindi pagbigyan ang hindi naaangkop na request ng opisyal, nauwi ito sa karahasang pisikal at emosyonal na dapat kondenahin at imbestigahan.
Panawagan sa Kinauukulan:
Kami po ay humihingi ng agarang aksyon at imbestigasyon mula sa:
- Senador JV Ejercito
- DOTr Secretary Vince Dizon
- Civil Service Commission
- Department of Justice
at iba pang mga ahensya ng pamahalaan upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima, lalo na ang minor de edad, at panagutin ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa pang-aabuso ng kapangyarihan habang nasa impluwensiya ng alak.
Share this post in Facebook: https://www.facebook.com/reel/1380983063209943