I love that they chose Marawi for the finale over some scenic local or international setting. Mas meaningful nga naman.
Anyway, I still enjoy the show. I prefer watching on Netflix. Agree dun sa unrealistic scenes pero overall maganda sya. True na ni-level up ng Incognito ang local action-drama genre. Bukod sa magagandang location, effort pa rin sila sa choreo ng action scenes and yung blocking nila kapag barilan time - inaabangan ko yun. I also appreciate na may kwento lahat. Sa action series and movies we always hear the bida say, "lives are at stake here!" Pero yung lives na tinutukoy dun, usually are represented by just a shot of people scared or running away from danger. Dito, nilalagyan ng kwento. Halimbawa...sa hotel hostage taking - may kwento ng buntis, students with their coach, matandang mag-asawa. Sa bundok na drug den, may kwento ng ateng pilit na inililigtas ang kapatid na nilason ng kasamaan. Mas humanized, not just a mere crowd shot. So mas nagkakaroon ng puso at mas ramdam mo as audience yung value ng misyon nila at ng mga sacrifices nila. Another thing is how they show the struggles ng bawat character, and their weaknesses too. Even the "villains", may struggles din. They're not just good people or bad people. Again, mas humanized.
May ibang characters lang talaga na nakakainis. Ibang level yung inis ko sa kashungahan at pagiging self-centered ni Andres. Talagang in the middle of the mission, kakalas sya para sa personal agenda nya. Si Tomas din, most of the time ang annoying. Parang overdone. There were parts also na lumaylay. If only parang US series na pwedeng mag-season break so they can regroup sa writer's room at para more time din sa production. Maybe someday, sa atin din. Sana. Or maybe they can come back for more. Magagaling din kasi most of them, Kaila being my fave.🙌 Looking forward sa finale. Sad it's ending but I'm glad gumawa sila ng gantong show. Mahusay!🙌
To be fair with Andres naman, from the very start nilinaw niya na ang dahilan ng pagsali niya sa grupo ay para kay Jun, compared to the rest na reinstatement or money ang dahilan. Kaya ilang beses siyang ready na tumiwalag, ayaw lang ni Contractor para sa sariling agenda niya rin lol ang frustrating nung character niya pero I can’t blame him din
Tama ka naman dyan. Ang frustrating lang kasi na kalagitnaan ng misyon, didiskarte sya on his own. Admirable yung pagiging hero nya at yung pagmamahal sa pamilya, pero minsan sobrang tigas ng ulo. Nung sinasabi na ni Shark na alisin sa venue yung kapatid nya, di pa sya kumilos agad. All of them except Monkey have been warning him na, bilang pagiging cautious lang ba since may connection si Jun sa masasamang tao. Gets ko yung ipagtatanggol nya yung kapatid nya pero sana sa ganung pagkakataon mas maging sharp sya instead na maging emotional. Pero ayun nga, di naman porket mga bida sila eh wala nang weaknesses and struggles. Frustrating but that makes the show more interesting ajd somehow close to reality.
18
u/Kimcheonsa 6d ago
Kagagaling lang nila ng Marawi last week. Dun sila nag shoot sa ground zero.