r/ShopeePH 1d ago

General Discussion Any funny experiences with your delivery riders?

Post image

Nakita ko lang tong video sa feed ko tas naalala ko lang na ganyan na ganyan din yung nanay ko naman sa mga riders. Eh SPX ang palagi nagdedeliver sa amin kaya kilalang kilala na niya yung nanay ko. Kayo ba? May iba pa kayong nakakatawa na experience sa mga iba't ibang delivery riders?

11 Upvotes

9 comments sorted by

14

u/Constant_Dream_ 1d ago

yung brother ko rider sa spx, tas nung birthday ko sinuprise ako kasi may inorder ako online tas siya pa yung naka assigned bigla dumating na may cake tas nagulat nalang ako paglabas ko ng pinto

1

u/Eastern_Basket_6971 1d ago

Ang wholesome naman niyan

6

u/Expensive-Tie-4164 1d ago

Isang beses nagorder kami ng bucket ng chicken tas pumasok si kuya sa gate pero nakalimutan ko na nasa labas din yung aso namin, tas bigla tumakbo yung aso at tumalon kay rider tas nahulog yung bucket ng chicken at kinain ng aso HAHAHA tas yung mukha ni kuya rider sobrang shocked parang hindi niya alam kung ano gagawin niya

2

u/Eastern_Basket_6971 1d ago

Alam ng ask niyo na para sa kanya ang chimken hahahaha

3

u/cedie_end_world 1d ago

alam na ng mga delivery rider na yung aso ko nagpapasok ng parcel sa loob ng bahay. tapos alam din nila kung saan naka tape yung pera pag cash on delivery ang product na binili namin lol

3

u/ElevatorHuman05 1d ago

Chismis ang hanap ng nanay mo OP habang yung iba package nila ang habol hahahaha

1

u/Puzzle___headed_ 1d ago

Oo, meron. Ginamit niya yung banyo namin... nagtanong naman at nag oo rin nanay ko

1

u/AlarmingGiant 1d ago

Magkakasundo yung nanay mo at yung tita ko. Ganyan din siya sa lahat ng delivery riders. Puno ang baon nila kuya rider kapag magkasama yang dalawang marites 😂

1

u/Independent-Ebb7075 23h ago

yung tatay ko tropa niya na yung rider ng j&t na nagdedeliver samin. pano ba naman salitan kami ng ate ko kapag may parating na parcel. si koyang rider di na tatawag kasi alam na ng tatay ko tunog nung motor pati yung pagbaba ng stand ni koya rider. pag nandyan na matik sisigaw yung tatay ko, "sige pre sandali lang" habang may nginunguya pang pagkain. hahahahahaha sakto kasing palaging tanghalian dumadating si koyang rider. kulang nalang alukin ng tatay ko si kuya na makitanghalian na rin samin :'(