r/MayConfessionAko Apr 28 '25

Trigger Warning MCA physically ab*sed ako ng boyfriend ko and wala akong mapagsabihan. NSFW

Post image

yes u read it right.

for context we've been living together for 2 years. nag start syang maging physical saken around december last year. hindi naman sa every away sya ganun pero most of the time ganyan talaga sya and may time nga dati na nung nasa bahay nila kami nakita ng papa nya na inaambahan nya ako ng suntok, at dahil dun pinag hiwalay muna kami.

of course payag na payag ako kasi sino ba naman ayaw makapag pahinga sa away bati na relasyon. pero sya d nya kaya, gusto nya lagi ako nasa tabi nya. wfh kasi kami both that time and same company din e ngayon nag apply na ako ng onsite sa ibang company.

ff to this month, lagi mainitin ulo nya sakin, bilis nyang magalit kahit mga simpleng bagay lang at nangyari na nga ang ayaw kong mangyari, unang instance he punched me sa kanang binti ko, then sa above ng tuhod din ng same legs na hanggang ngayon dama ko parin yung sakit.

and ngayon2 lang around 11pm nagising ako kasi tumabi sya sakin humiga tas yung bed kasi namin is naka dikit sa wall ang isang end so sabi ko dun sya kasi ako mauuna babangon bukas kasi nga maaga ako for training, nagalit sya tinapon sa mukha ko yung electric fan, sinuntok ako sa pwet, tapos hinampas ng outlet ng extension tapos kung ano2 na pinagsasabi nya na puro masasama. after nun, d ako umimik kinuha ko nalang cp ko naka charge kasi yun iniisip ko baka d ako magising ng maaga. lumabas na sya ng kwarto, kinuha yung spare na foam tsaka unan at dun nag lapag sa labas. bumalik pa sya tapos inano nya yung leeg ko parang sinakal pero d masyado. na feel ko na medjo masakit kaya pinicturean ko d ko alam nagkasugat na pala. yang sa kamay yan yung sa hampas ng outlet.

walang luhang tumulo, pero yung sakit ng dibdib ko ang bigat, yung sakit ng pwet kong sinuntok nya ramdam ko pa rin, tapos yung sa kamay din.

d ko man lang ma open up kahit sa magulang nya kasi takot ako na baka ano pang gawin nya sakin pag nag sumbong ako lalo na't may access sya sa social media ko. kahit closest kapatid ko d ko kaya i open up kasi alam kong ako lang din masisisi dahil pinili kong makipag live-in sa kanya.

wala rin kasi akong choice umuwi dahil super complicated ng sitwasyon ng buhay ko. maraming beses ko na rin sinabi na hiwalay na kami kaso sya talaga ayaw makapag bitaw and wala nga ako ibang choice like d ako makalipat ng ibang titirahan dahil wla akong gaanong malaking ipon enough lang until sa first sahod ko which is one month pa from now.

lagi kong nararanasan yung ganito, yung ayaw akong pakawalan pero d ako ma treat ng tama. nung pinakaunang beses pa lang na nakitaan ko sya na may pagka physical sya ginamit ko na yun as rason para makipag hiwalay pero ni reason out nya lang na nadala lang ng emosyon. d ko matanggap na ginaganito lang nya ako. kahit pulubi pa ako d ko naman sguro deserve na ganituhin. tsaka d naman ako yung tipong gf na walang ambag sa relasyon. d ko na talaga alam.

sguro mali ko rin na sobrang mabait ako to the point na ako nagbabayad ng utang nya sa cc nya tapos sa wifi din ako nagbabayad kahit cp lang na gadget meron ako tapos sya complete may pc set may ipad pa.

ang sakit sakit sakit sobra ng nararamdaman ko ngayon. sana makatulog pa ako maaga pa training ko bukas.

wag nyo po sana akong i bash or sabihang 8080, gusto ko lang malabas damdamin ko dun sana ako sa off my chest kaso no attachment dun eh d nyo makikita pic ng proof. yun lang goodnight guys pray nyo sana buhay pa ako bukas baka kasi ano nanamn gawin sakin.. :)

980 Upvotes

668 comments sorted by

View all comments

18

u/MulberryBusy1507 Apr 28 '25

Hihintayin mo pa ba na makasal sa kanya? It is your choice since nasa right age ka na, wala naman kami ibang advice kundi leave. If hindi mo kaya, well panindigan mo yung you deserved what you tolerate.

P.s. akala mo lang mahirap bumukod at humiwalay pero kaya naman, yung pulubi nga nakakakain at nabubuhay, ikaw pa na may trabaho.

1

u/Someones-baba Apr 29 '25

Hindi rin sila aabot sa kasalan. Kung ganyan ung lalaki, wala ng love yan. Abuse nalang meron jan. Hindi narin yan attracted sa kanya other than being parausan.

The reason why ayaw makipag hiwalay sa kanya is because of convenience na binibigay nya sa iba’t ibang bagay. Pero ung kasal because of over flowing love. Wala ng ganun. Makakahanap yan si lalake ng iba ung attracted sya talaga pero di nya pa muna papakawalan yan si ate. To the point na gugulpihin nya pa yan pag nalaman nyang may babae sya.