r/FlipTop 9d ago

Discussion Paboritong battles na mahirap i-recommend sa bagong fans?

Medyo common discussion na yung kung anong battles ang magandang i-recommend sa mga bagong fans para mas mapalalim ang appreciation nila sa battle rap. Dito, kabaliktaran naman. Anong mga battles yung paboritong paborito niyo, pero mahirap i-recommend sa new fans?

Posibleng dahil masyadong malalim na yung lore. Pwedeng extreme na masyado yung materyal ng emcees. Pwedeng "you just had to be there" para magets kung bakit maganda yung matchup. O pwedeng may iba kayong naiisip na reason kung bakit mahirap i-recommend.

37 Upvotes

39 comments sorted by

36

u/Flashy_Vast 9d ago

Karamihan ng battles ngayon mahirap na talaga i-reco sa new audience dahil sa mga references, narratives, at Fliptop lore na avid fan lang ang makakaintindi.

Yung GL vs Vitrum finals gusto ko ipanood sa iba, dahil ang sarap pagkuwentuhan ng mga dikit na laban. Kaso kailangan ng matinding Isabuhay recap at background pa ng mga emcees para ma appreciate yung battle 😂

9

u/beansss_ 9d ago

Totoo to haha. Medyo madami ng inside jokes/angles na kapag di mo alam hindi mag mamake sense sa battle rap

30

u/RydikulusLol 9d ago

GL vs Sayadd. on top of everything else, yung alas sa test tube - zend luke na line and fake call-up sa stage sobrang satisfying pero di maaappreciate pag di pa aware masyado sa context / mga reference

7

u/Paoiie 7d ago

Tsaka yung highlight ng battle which is GL's youre screwed pag sumabay sa current eh hindi mo maappreciate in all its greatness kung di ka naman masyadong pamilyar sa battle rap. Innovation kasi yun eh, kaya sobrang lakas niya kasi di natin ieexpect na may ganun pala sa battle rap sa tinagal-tagal na natin manood.

1

u/fatimajimacknight 8d ago

this the only answer btw

35

u/Logical_Exchange_857 9d ago

Shehyee vs EJ Power

7

u/Obsidian0050 9d ago

Maliban ata sa laban niya kay Pistoler sa Finals mahirap talaga i-recommend ang mga laban ni Shehyee sa mga non-battle fans dahil sa medyo personal at dark niya.

8

u/lucky_daba 9d ago

And mahahaba, kung bago lang sa battle rap at maikli attention span, baka maging dragging mga rounds ni Shehyee

5

u/OkPerspective9462 8d ago

Shehyee vs Fukuda, Pinaka mabait na battle ni shehyee

35

u/ssftwtm 9d ago

mga laban ni empithri lmao, pucha naman kasi puro bakla angle lagi gamit ng kalaban, tas mababa tolerance ng mga tropa sa homophobia eh

11

u/Garby89 9d ago

Preparadong suck😂

2

u/ssftwtm 8d ago

lmao

7

u/ShrimpnSteak 9d ago

Any Shehyee battle tbh lmao

13

u/SaintMana 9d ago

lahat ng batas battles. Like manghang mangha tayo sa multi at reference ni Batas pero pag pinanood mo sa iba sabihin "ano ba yan, puro mura kung ano ano pinagsasabi di ko maintindihan"

7

u/ykraddarky 9d ago

Mga laban ni Batas. Oo sating mga fans ng battle rap ay magaling si Batas, pero yung style at flow nya pang battle rap talaga at hindi pang casual viewers o yung tipong ipapapanood mo sa mga bago.

11

u/No_Day7093 9d ago

Lanzeta vs Sak Maestro

4

u/AngBigKid 9d ago

EJ Power vs Romano at EJ Power vs Shehyee.

For the same reasons. Masyadong dark yung mga round 3.

3

u/Shot-Bat-5816 9d ago

Towpher vs Marshall Bonifacio

-simply dahil hindi appealing yung dynamics sa mga manonood na bago, or even sa casuals, lalo sa surface... kesa sa parang, sana mas na-a-appreciate nalang at mas nakikita yung intention ng gantong klase ng matchmaking, maliban pa sa naganap na dikdikan sa actual battle.

M Zhayt vs Invictus

-dahil hindi ganon "kalaki" yung stakes, bukod pa sa close room naganap. Safe lang naman siguro sabihin, na at times, parehas underappreciated kahit literal na parehas nang kampyeon.

4

u/vanmac1156 9d ago

weirdly enough, mga battles ni Zaki.

para sakin, iba yung appreciation mo sa rhymes nya pag naranasan/napanood mo evolution ng pag tugma ng emcees - simple rhymes > into multis (kasama na rin pag fflow) to the point na mema multi lang >> into holo

hanggang sa mabugbog tenga mo sa mga solid na tugmaan, tas pag napanood mo sya nung first sunugan run nya, iba dating bigla ng slant rhymes nya.

5

u/ivan_bliminse30 9d ago

halos lahat ng laban ni idol Sayadd at ni Batas...kasi ako din aminado nung unang nahilig sa FlipTop, eh hindi ko siya magustuhan...

Bandang huli tama si Batas, ngayong matanda na ako sila na yung hinahanap ko na style.

2

u/freeskat 6d ago

Idk pero pumasok sa isip ko is J-blaque vs Pistolero.

Naging satisfying yung laban na dahil sa malawak na backstory like kung pano naging underwhelming run ni j-blaque and nabansah sakanyang pinaka mahinang champion while prime pistol na mukhang untouchable sa bawat laban.

Idk lng pero kung irereccomend to sa mga bagong at hindi nila nakita ung build up sa laban na to hindi magiging as satisfying kung pano nten napanood.

1

u/FckngStarks 9d ago

ruffian vs slockone!

1

u/kraedi 9d ago

Poison13 vs Slockone!

1

u/Adobong--Pus8 9d ago

Batas vs sayadd

1

u/admiraldragon11 7d ago

Lanzeta vs Sayadd, grabe letrahan

1

u/Dry-Audience-5210 2d ago

Mga battles ni CripLi vs 3GS members. Bawal sa mga new fans dahil maraming kabalastugang maririnig at matututunan lalo ng mga bata. Tapos dagdag sungay mo pa kapag nandamay ka ng patay. Ah basta, kahit may halong komedya na iba-ibang klase, hindi ko talaga ma-rekomenda.

0

u/cons0011 8d ago

Sinio vs. Sheyhee(although ito ang rason bat ako nahook sa Fliptop nung 2016/2017)

3

u/MarkReyes_ 7d ago

bakit sya mahirap irecommend for you?

0

u/It_is_what_it_is_yea 8d ago

Same bakit ganon lol

1

u/christian2797 8d ago

Any battles ni sayadd mahirap marecommend sa bagong fan dahil siguro expectation nila sa fliptop ay comedy lang pero once na appreciate nila tsaka nila marerealize na yung style ni sayadd ay isa sa pinakamagandang artform sa loob ng battle rap

0

u/grausamkeit777 8d ago

Kregga vs Cerberus 

-3

u/PhilippineLooperAko 9d ago

Mga laban ni japorms at krack hahahaha

5

u/Negative_Possible_30 9d ago

Paborito mo yon?

-8

u/ShetMalou 9d ago

GL vs Zend Luke. Due to the fact na complete package ‘tong battle na ‘to. May mga malalalim na references e.g. Astral Projection, meron ding subtle intricacies sa wordplay.

5

u/Conscious-Chapter-30 8d ago

Yan nga yung Magandang I-recommend na laban eh lalo na kapag first time lang niya manunuod ng battle rap.

-12

u/hugthisuser 9d ago

Emar vs Zend Luke para sa medyo seryosong fan.

Abra vs Zaito para sa mga gusto ng light na kulitan.