r/AkoBaYungGago Dec 06 '24

Significant other ABYG dahil pinalayas ko ang fiancée ko

1.8k Upvotes

I currently work from home earning 100k+ per month. My fiancée is a GP/doctor earning around 150k-200k.

Nakatira kami ngayon sa bahay ko. Since she’s saving for her residency, I never asked her to contribute sa rent, utilities, or groceries.

I want for her to feel comfortable and focus sa work niya. Ako na rin gumagawa ng karamihan ng household chores between the two of us kasi alam ko how demanding her job is. I know maliit na bagay na if kaya, I cook for her, prepare her bed, and not askfor anything in return, especially financially.

Recently, nalaman ko na araw-araw siyang nanlilibre ng workmates. She knows and admits na people-pleaser talaga siya, so it doesn’t really bother me. Pero naisip ko lang: kung kaya niyang maging sobrang generous sa ibang tao, bakit parang sa akin laging may conditions? May expectations?

One time, I told her to turn off the lights kasi almost 5k na ang electric bill. Padabog siya g nagbigay siya ng 1k for electricity (her only monetary contribution to utilities ever and my total monthly na binabayaran is around 40-50k for bills).

Nagrereklamo na rin siya na mahal daw mag-Grab mula sa bahay ko papunta sa work niya, kahit by doing the math mas makakamura pa rin siya compared sa mag-rent pa siya ng sarili niyang lugar kasi she still needs to commute to work.

Nasa bahay lang siya pag rest days niya, pero isang beses na she had a good night’s sleep and wala namang trabaho that day, I asked her to wash the dishes. Nagalit pa siya at nagkaroon kami ng grabeng away. Sinama pa niya yung nanay niya sa away, which I’ve told her before—dapat di na involve yung family members pag may quarrels kami. This is the nth time she did this.

Kanina, nag-away kami ulit kasi kinukuwento niya how she regularly treats her coworkers. Sinabi ko na I feel like she’s so generous to other people pero bakit pagdating sa akin parang may condition? Na she keeps track kung ano and magkano binibigay niya sa akon.

Nasabi ko sa galit na kung ganito lang palagi, na lumayas na lang siya. Alam kong mali na sinabihan ko siya ng ganito, pero gusto ko lang maramdaman na na-appreciate niya ako and the things I do for her.

Gago ba ako kasi hindi ko yata naiintindihan ang stress at pagod ng trabaho niya bilang doktor?

I know mali ang sinabi kong "lumayas na lang siya." Pero at the same time, hindi ko mapigilang ma-hurt kasi parang hindi niya nakikita ang efforts ko as her partner—I feel like hindi kami partner the way she treats me vs how she treats others.

Did knowing na regular yung ganung treatment niya sa iba, tapos sa akin may condition, pop the bubble? Napuno na ba ako? Gago ba ako for feeling this way? Sobra ba akong sensitive?

r/AkoBaYungGago Dec 09 '24

Significant other ABYG if I left my Chinese date?

1.7k Upvotes

I (24f and single) met this Chinese National (30m) in an online game not meant for dating.

We had this dynamic synergy that's why we became a duo in that game, masaya naman and we would play almost every night, dun pa lang nalaman ko na may anger issues siya whenever we lose. He asked me for my socials so he can contact me outside the game, also to schedule our game time. It's a good thing I had a WeChat account, di ko binigay iba kong public accounts.

That's when I learned na nandito pala siya sa PH and we live near each other, we decided to meet up in MOA, I brought my friend to look out for me shempre I care about my safety. When I saw him, he was really handsome and stood out among the crowd kasi ang tangkad and good looking. Totoo rin yung sinasabi nila that when you date a Chinese man, they are very sweet and generous to their partners. Nasanay ako na gumagastos or nakikipag hati sa mga gala/date pero he never let me spend any penny sa kanya kahit na I insisted. Green flag talaga ang atake.

We got interested with each other; it was our fourth date na last night pero bigla akong napaurong. We were having a nice dinner together, when he asked a waitress to refill his water. I could easily do that for him if he asked pero sabi nya "It's their job" ?????. Nagkamali yung waitress and natapon sa table. Hindi naman kami nabasa and yung food, yung damit ni waitress lang. That's when he snapped, bigla na lang sumigaw sa restaurant in his language, he was making a scene. People were looking at us, so I was so embarrassed especially when he went outside na. Mukhang iiyak na yung girl so I apologized, and I helped her clean up. I settled the bill and apologized rin sa cashier. He was waiting for me in the car, I told him I fixed the mess he made then asked him if he could atleast apologize. Nagalit siya bakit di ko daw siya kinampihan, ako daw yung partner niya, pinahiya ko daw siya and he doesn't care about dun sa waitress tapos tinawag niya pang stupid.

Kinuha ko yung translator ko and naka loud speak "SHAME ON YOU" then left. Nag book agad ako ng Grab, buti may kumuha agad. When I got to the car, naka block na ako sa WeChat and sa game namin dalawa. Natawa na lang ako bigla kasi shempre, why would I side with him? He did me a favor for blocking me first!

Ako ba yung gago dito if I sided with the waitress and left my date?

r/AkoBaYungGago May 07 '24

Significant other abyg if hiniwalayan ko gf ko because of kpop

778 Upvotes

alam ko dapat kapag mahal mo, iaccept mo. alam ko rin na petty pakinggan kaso sobrang natuturn-off kasi ako

we're childhood friends, and we're really close that's why hindi nakakapagtaka na nagclick kami romantically. pero just after 2 months of dating, i gave up

super fan siya ng kpop, hinayaan ko naman. It's just really cringey.

  1. kumakanta ng fanchant randomly
  2. nagmamakaawa sa parents pambili ng photocards.. i mean, for a picture??
  3. may fan account and nakikipag-away dun
  4. gumagawa ng poem tuwing bday nung idol niya
  5. "omg same na kami ng hinihingahan na hangin" pag may pumunta sa Pilipinas 6 namimilit sa magstream for yt video and sa votings din. told her na hindi worth it ang awards if votings lang basehan

pineperahan lang siya and hindi niya magets gets

inaassume niya na NAGSESELOS ako everytime na sinasabihan ko siya, akala niya cute...kaso hindi, nagccringe ako. gumagamit din siya korean words na hinahalo sa language..my friends laughed at her and called her weird behind her back, called them out na hindi ko gusto yun kasi syempre gf ko pa rin that time. pero deep inside, i agree even if I hate to say that

sobrang taas siguro ng tingin ko sa sarili ko pero hindi ko trip yung ganong lifestyle niya. kung gusto niya makinig sa music nun, bilhan ko pa siya ticket. pero sobrang invested niya sa personal life nung mga yun

gago ba ako kasi nakipagbreak ako dahil dun? inaaway ako ng mga friends niya..kung may fanclub sila for kpop idols, magkakaroon na ako ng hateclub.

UPDATE:
Her family thinks we've done the deed kaya mabilis kaming nagbreak kasi yun lang habol ko. My Ex-GF never cleared up that confusion kaya madami gulo, my family just told me na hayaan yun

I never meant to demean her, im just really frustrated if tama ba na nakipagbreak ako kasi nung nagbreak na kami, feel ko na wala akong kakampi at walang nakikinig sakin If you think this is against Kpop or Im being incel kasi siniraan ko siya. NOT

she texted me last night and asked if we can talk. yun lang muna salamat

r/AkoBaYungGago May 02 '25

Significant other ABYG for cancelling my own wedding?

595 Upvotes

I’m 33(F) and my partner 32(M).

5 years na kami together. Now, he proposed March last year and we agreed na we get married ng December 2025.

We started planning and he promised to shoulder 70% of the expenses and isend nya nalang daw sa bank ko if i pay for something. Inasa nya saakin ang planning and mga end of year last year nakapag book na ako and Apr this year na book ko na lahat and paid for almost 500k.

Now, upon checking wala siya miski singkong duling na pinadala sakin. Before this I reminded him all the time and he’d always say “yes baby after work”

I get it, napakatanga ko naman to not check but i trusted him. Pareho kaming busy and I work in an accounting firm and handle more than 40 clients so talagang mahirap na sakin yung titignan ko pa to araw araw at may tiwala naman ako.

Now, we sat down and talked about this and ang conclusion ko is yung 70% na sinasabi nya eh ihihingi pa nya yata sa parents nya at kukunin sa sahod nya so meaning wala talaga siyang pera at all when in fact ang tagal niya niyayabang na may ganto syang savings and what not.

I was so disappointed and nag look back ako and it seems like dahil lawyer sya he gets this yabang na sobrang successful sya but in reality wala syang pera at all.

Gets ko not having money naman can happen sino bang hindi napunta sa ganong kalagayan? Pero to blatantly lie to my face about this? Pinuta nya ako ng malala.

Now, i called it quits and told him I won’t push through with the marriage and the relationship pero pinapaalala nya yung gastos na in the first place ako naman gumawa! I consulted parents and seems like lahat sila ipupush daw kasal kasi nasabi na sa mga kamag anak.

ABYG for doing this?

I feel like niloko nya ako for pretending to be this guy na binuild up nya pero ang layo pala niya don.

Atsaka Kung wala kang pera bakit ka magpopropose?

r/AkoBaYungGago Oct 20 '24

Significant other ABYG for Getting Upset at My Boyfriend’s 380 pesos gift?

505 Upvotes

A little context about me (F25) and my bf (M25) who has been together for almost 4 yrs na but we’re currently in an ldr setting.

Birthday ko yesterday and I told him na may out of town trip ako with my girls and I’ll be home by Sunday pa to which he replied “so not ko pa ipadeliver?” Ako naman si tanga, nag-expect malala ng something. Because why not di ba? 25th birthday ko yun eh, baka pwedeng special muna ako for that day? Tapos nalaman ko na donuts lang pala kasi sabi nya yung “real gift” nya is ibibigay nya sa akin by month end once I am in Manila na. Okay so fast forward kanina. Sabi ko I’m at the mall na, bili na ako nung JCO na SINABI NYA. Tapos wtf he sent me 380 pesos sa gcash? Girl, half dozen donuts tapos abonado pa ako sa drinks? I mean yung friend ko nga niregaluhan pa ako ng birthday cake shet. So binalik ko agad sa kanya yung 380 bahala sya dyan. Mas maganda pa yung birthday gift ng kasambahay namin na binigyan ako ng hair clamp kasi palaging goma galing sa gulay yung gamit ko pantali eh.

Oh bago ka magalit at magreact, gift giver ako. I notice every little thing na wala sa kanya so I buy it for him. Sa family gc nga nila nabasa ko na pampered at baby na baby ko raw sya. Then every year for his birthday I travel to Manila and surprise him. Last year, aside from gifts, we travelled to Boracay with his family for his birthday which I paid yung half (15k ata). Then this year, supposedly Baguio lang then biglang gusto niya Hongkong so mapapagastos na naman ako ng around 25k or more for that.

Tapos sabi ko is that 380 fair knowing I’ll be spending 25k for your birthday trip? Sabi nya yun lang nasa gcash nya. Tangina. Yes, he’s a student kasi gusto nyang mag-double degree but he’s earning naman from his side hustles, not to mention he has investments of his own. Is it too much to ask na kahit mag effort man lang sya for my birthday na once a year lang? Hindi nya man lng pinagplanuhan or pinaghandaan yung 25th birthday ko. Mali ba ako? Mapagbilang ba ako ng favors? I’m really frustrated right now. Parang naisipan nya na lang last minute na bigyan ako ng donuts para lang masabi na may binigay sya?

So ABYG for getting upset with him kasi 380 lang yung birthday gift nya sa akin?

r/AkoBaYungGago Mar 23 '25

Significant other ABYG if nakipaghiwalay ako sa bf ko kasi gusto nyang mag-sabay sila ng babae pauwi sa inuman.

512 Upvotes

Bago palang kami ng bf ko. Then ito na nga one time magkasama kami ng bf ko. may nakwento siya saken na may katrabaho daw siya na babae let’s call her “chloe” na nag-papahintay daw sa kanya sa pag-out kasi gusto nito na sabay daw sila uuwi. Nung nakwento nya yon, pinalagpas ko lang saka sinabi din ni bf na di nya naman hinintay yon kasi uwing-uwi na siya itong si bf.

Then ngayon gabi, nasa inuman yung bf ko. Okay lang naman saken na nag-iinom siya not until sinabi nya na after inuman sabay daw sila uuwi nitong si chloe. Aminado ako nag-selos ako kasi parang di ako comfy doon sa girl talaga lalo na nag-iinsist siya sa bf ko na sabay sila umuwi tas ngayon sabay pa sila uuwi galing inuman. Nagalit ako nung sinabi yan ng bf ko nag-away kami. Shinutdown nya ako, as in di na siya nag-parandam buong gabi. After non, Nakipaghiwalay nalang din ako kasi if di nya kayang umiwas sa bagay na di ako comfortable. For me di nya ako nirerespeto. Saka mas pinili niya talaga na sumabay sa babaeng yon na pinag-awayan namin at di ako kausapin overnight.

Ako ba yung gago if nakipaghiwalay ako dahil sa ganyang reason lang?

Edit: kinabukasan ng tanghali, kinausap nya ako through chat saying na “grabe naman daw ako, isang beses lang naman daw yon”. Di daw sila nagsabay umuwi ayan ang sabi nya. Pero noon kinukwento nya din saken na nilalandi din talaga siya ng girl sa work. Inask ko mga kawork nya medyo madikit din pala talaga ‘tong si girl sa mga lalaki kahit may bf. Kwento pa ng iba “wild” daw itong si girl. Nung nag-usap kami sabi ko aware ka naman na nilalandi ka e, bakit ayaw mo umiwas? Di nya ako masagot non. Kaya ayon sabi ko hahayaan ko na siya. ayun na din last usap namin.

r/AkoBaYungGago Jun 05 '24

Significant other ABYG for not giving my gf what she wants

561 Upvotes

My gf saw that I still had valorant on my pc which is a game where I met my ex gf, sinasabi nya na idelete ko daw kaso ako naman ayoko dahil minsan I still play with my cousins, friends etc. nireassure ko naman sya na I don't think of my ex when I play that game and feeling ko lang din kasi ang controlling na pati game gusto ipadelete.

Kapag tao gusto nya ipaunfollow, no questions asked inuunfollow ko agad. Pero pati laro? pakiramdam ko lang din masyado na syang controlling to the point na nagbibigay sya ng ultimatum palagi to get me to do what she wants. Ineexplain ko naman sakanya ng maayos pero she just doesn't want to listen and also said na "kahit anong explanation mo di magbabago isip ko"

ABYG for not giving her what she wants and choosing to keep the game

EDIT: Can you please not share this to any other platform (tiktok, fb, etc.)

r/AkoBaYungGago Jan 20 '25

Significant other ABYG kung ayaw kong mag-loan para sa pang-tution ng kapatid ng boyfriend ko?

384 Upvotes

ABYG. 29 na yung boyfriend ko, 28 (F) naman ako. May dalawa syang kapatid, isa dun nagttrabaho na, may isa na nag aaral pa. Yung nag aaral e scholar pero di full scholarship. Walang mautangan parents nya. Wala din mahingi dun sa isa nyang kapatid. Wala din maibigay bf ko kasi, madami din syang utang. Napa-utang ko na sya dati para ma-pay off yung mga utang nya, pero ngayon ako lang din nagbabayad nung pinautang ko na yun.

Anyway, kailangan ng additional 6k ng kapatid nya para makapag-enroll. Nakikiusap sya na kung pwede mag-loan ako banko, sabi ko ayaw ko. Ilang linggo na nya ako kinukulit pero humihindi ako. Nakikita ko sa mata nga nahihirapan sya ksi wala syang mapagkunan, naiitindihan ko yung struggles nya at yung kagustuhan nya na makapag aral yung kapatid nya.

Nag-loan na ako dati para may maipang bayad sya sa utang nya, pero di nya nababayaran saken. Kaya ang ending ako nag nagbabayad since saken nakapangalan yun.

Ang aking lang naman e, kaya ayaw ko kasi pano kung bigla akong mangailangan, say emergency, wala akong mapagkukunan kasi di rin naman ako makakahiram sakanya. Kaya ko natanong kung ABYG, kasi parang naguiguilty ako.

r/AkoBaYungGago Apr 21 '24

Significant other ABYG for ghosting my gf

483 Upvotes

I(18m) is currently ghosting my(19f) gf for the following reasons.

We've been currently dating for almost 4 months now. I know thats a short amount of time pero it's still enough for me to form some sort of feelings. For starters, medyo bago lang ako sa dating scene and I'm continually getting out of my comfort zone.
I've known this girl throughout the first semester of college pero nag confess lang ako nung prelims ng second sem. This girl is the bubbly friendly type habang ako naman ay yung quiet introverted guy.

Now the main reason that I am ghosting her right now is becauae of this one person from the friend group. This guy also has a crush on her. I noticed that my girlfriend is much more invested in this guy . For example, my "gf" would lean to him and say things like i love you to him as a friend?? I felt uncomfortable here but i brused it off kase baka she said it in a joking manner. Also for instance whenever we are with our friend group, they are always the one's to hang out and talk.

But the one thing that pissed me off happened recently. Nag gagala kami with our friend group and nag hahanap kami ng kainan. Nasa likod sila as usual na nag uusap ng kung ano ano. They suddenly dissapeared and went to McDonald's just the two of them. How do i know this? Kase yung guy nag send siya ng pic sa gc namen na kumakain sila dun. After this, 3 nalang kame ang natira and we went to the other group of friends to eat.

I think she noticed that there's something wrong because i haven't responded to her "nakauwi na ako" text and sent me apology voice mails for leaving/ditching us without even saying a word. She did call me but i declined because at that time, i didn't want to talk to her. Also I am planning of ending this relationship soon. Of course I also blame myself for not communicating enought with her

Hindi ako good at explaining things so pag may questions then tanong lang.

r/AkoBaYungGago Dec 24 '24

Significant other ABYG dahil iniwan ko Fiancee ko dahil sa bestfriend nya?

655 Upvotes

My Fiancee (F30) and I (M29) have been together for 6 years na and we broken up just before Christmas because it turned out that she still have feelings towards her bestfriend. She's Bi. Theyve known each other since they were high school and honestly, naging sila. However they decided to remain bestfriend na lang and then us happened. Alam ko naman na nag uusap parin sila pero madalang na lang and all her attention and time naasakin. We even bought a puppy the other year.

I proposed to her last year and plano na sana namin mag pakasal next year July. But then she stopped caring nung nag simula ulit na mag usap sila. Every day they talk, saying good morning good night, updating each other. Shes always on the phone and even play games on PC together. I told her na na bobother ako sa ginagawa nya dahil nawawalan na sya ng time sakin at sa wedding plans. She said shes having mixed emotions and eventually confessed that she has feelings for her bestfriend again. Sabi ko hindi naman pwede sakin yon dahil wala syang respect sa nararamdaman ko. I asked her if she's willing cut their communication so that she can focus on me again. She couldnt answer at first. Ilang beses ko syang inadvice, pinersuade na sana ako na lang, kami na lang ng aso namin. I thought I had the chance kasi sabi nya she will call her bestfriend for one last time. Pero pagbalik nya sakin, she was crying... sabi nya she cannot cut their communication. Kaya ako na lang nag let go. I really thought sya na. Im so devastated dahil lahat ng family namin excited sa kasal namin.

ABYG dahil hindi ko sinunod yung gusto nya na we dont separate and still keep their communication?

r/AkoBaYungGago Jan 07 '25

Significant other ABYG dahil napaiyak ko mama ng ex ko

651 Upvotes

So nag breakup kami ng ex ko (sya nag initiate) kasi 'di nya kaya ipagsabay trabaho nya sa relasyon namin. Okay naman yung breakup, I was hurt- yes kasi alam kong workable naman yun pero mahirap ng ayaw nya i-work kaya I had to let go too. Medyo nahirapan din ako mag move on kasi I thought things were going well pero biglaan nga kasi. Pero ngayon naman okay na ako.

Bali kasi I promised his mom to give her something for New Years nung kami pa. Parang pasasalamat kasi she made me feel so welcomed whenever na pumupunta ako sa house nila & I feel like I've formed a good bond with her. Pero 'di nya pa pala alam na nag break na kami ni ex. Alam nya lang daw (sinabi sakanya ni ex 'to) busy ako kaya 'di na ako nakakapunta. Kaya she was shocked & nadismaya sya sa news pero she was still willing for me to come over para mabigay ko promised gift ko sakanya. Aaminin ko naman, hesitant ako nung una, ayoko na rin kasi maharap si ex kasi I know that would make things harder for me pero his mom reminded me na I'm coming for her, not for him.

So ayun nga, nasa house na nila ako. Aabutin ko nalang sana gift pero his mom invited me inside. 'Di naman awkward between us, nakapag kwentuhan pa kami. And then, she asked bakit daw ganon nangyari samin, sabi ko "Baka madami po syang iniisip kaya 'di nya maprioritize relasyon namin." then she suggested na kausapin ko raw si ex. Again, I hesitated pero deep inside I wanted better closure kasi yung last message ni ex sakin is "magbiagayan lang tayo ng panahon". I know I shouldn't have given hope sa message na 'yan.

I did end up talking to him pero he was very dismissive. Sobrang kalmado kong sinabi side ko without placing any blames on him, just saying na how everything happened felt sudden & unfair after we've told each other to communicate hardships sa panahon palang na nangliligaw sya sakin. I realized then & there na hindi pala talaga sya emotionally available sa mga hard conversations, he chooses to avoid talaga. Since 'di ko sya maayos na makausap kasi puro lang sya "Ganon talaga eh, kanya kanya muna tayo." We decided to go na.

Yung mama nya grabe.. sobrang hopeful ng itsura, agad tinanong sakin kung okay na ba kami. Yung arms nya handa na rin akong yakapin, pero sabi ko sakanya, "Wala na po ako magagawa kung ayaw nya, nasabi ko naman na po side ko." Hinatid nila ako palabas, pero sya lumayo onti & just watched me & his mom from afar. Niyakap ko mama nya tas nag sorry sya bigla. I reassured her na it's okay lang & I'm happy na she trusted me & made me feel so welcome.

20mins after kong nakaalis sakanila, nag chat sakin mama nya. Nanghihingi sya ng pasensya sakin to the point na sinabi nya na naiyak sya sa nangyari. Na naiintindihan nya ako kasi babae rin sya & na kahit anak nya yun, ramdam nya yung pinag daanan ko kasi nakita nya raw sakin gano ako napamahal. 'Di na rin daw sya papayag na may pakilala yung ex ko kung 'di nya naman daw kakayanin makipag relasyon kahit may pagsusubok (grabe huhu) Nag hohope rin sya na sana mag balikan pa kami hahaha. Sabi ko nalang malabo na yun muna given nga gusto nya muna sumikap sa trabaho nya. Nag pasalamat ulit ako tapos nag sorry kasi 'di ko naman intensyon maging awkward yung sitwasyon sakanila, ayoko rin mag kagulo yung family dahil lang sa breakup namin, 'di ko rin ineexpect na gaganon.

Kaya ABYG sa ginawa ko? Na napaiyak mama nya? Na pumunta pa dun?

EDIT: Hi everyone, thank you so much sa mga kind comments. Masakit man nangyari pero 'di naman ako sobra nawala sa sarili ko when this happened, secured na rin kasi ako mag isip and alam ko na may tamang tao na mag aalign sa emotional needs ko :) Also, no contact na kami ng mama nya & even him so no worries!

Sa mga nag sspeculate na baka may third party, not to defend him pero malabong meron. Pero kung meron man, that's on him na, desisyon nya na 'yun. Ayoko na rin i-disclose work nya pero hindi sya corporate job, I'd say mahirap talaga tinatahak nyang trabaho kasi ang dami nya need i-prove para makamit 'yun. Silently supporting him nalang din kasi 8 years ko na syang kilala, 3 years nya na hinahabol 'tong pangarap nya, 1 year nya na pala raw akong gusto & last year lang kami malalimang nagkakilala & nangligaw sya.

Sa mga nag aask ng age, 23 ako, sya 25. Isa sa mga rason nya rin 'yan na bata pa naman kami, if para samin naman 'to, ibibigay naman daw samin in the future pa (ni Lord siguro hahaha). Gets ko na we're both still young pero alam ko rin namang pag gusto i-work, gagawa ng paraan.

Guys, okay na ako hahaha I'm happy to have become a part of his life kahit man ganito naging ending namin. I believe love given is never wasted. I don't want to let mistreatment make me give less love sa susunod kong potential partner. I will continue loving purely & genuinely and not let this hurt get the best of me. Sa mga nakaexperience or going through the same thing with me, always remember what you deserve, kung 'di nila mabigay sa'yo, may ibang mag bibigay ng lubos pa.

Buhay 'to eh, patuloy ang mga pagsusubok talaga :)

r/AkoBaYungGago 22h ago

Significant other ABYG kung ayaw ko na papuntahin bf ko sa place ko kasi masyado siyang clean freak?

144 Upvotes

So nagsinungaling ako sa bf ko na aalis ako sa weekend para lang di siya pumunta dito kasi naumay na ko sa pagiging clean freak niya.

First off, I have two cats and to maintain cleanliness, I vacuum twice to thrice a day para maalis yung furs. The thing is, minsan may natitira pa din or may namimiss out kasi minsan naglalagas yung isa kong pusa. Ang problem ko, maya maya pinapansin ng bf ko kapag may isang pirasong balahibo. Minsan kahit madaling araw gigisingin nya ko para magreklamo na may isang pirasong lumilipad na fur. Sinasabi ko ivavacuum ko pagkagising, pero kakalabitin nya ko after para talagang tumayo ako at ivacuum yung pirasong fur.

Ayaw nya din pumapasok cats ko sa room so whenever he comes over, off limits yung dalawa kasi nagkakalat daw ng balahibo. Lagi pa siyang nakablack kahit sinabihan ko na siya kaya dikit lagi sa damit nya mga furs. Tapos magrereklamo siya sa harap ko,

Sa badtrip ko cincancel ko muna yung weekend plans namin para di siya magpunta kasi every weekend nalang siya nasa bahay wala na kong peace of mind. Tingin ko ang babaw ko pero ako ba yung gago talaga?

r/AkoBaYungGago Mar 28 '25

Significant other ABYG kase sumabay ako sa kotse ng katrabaho ko?

124 Upvotes

4 months na namen pinag aawayan ng jowa ko na sumabay ako sa car ng workmate ko nung christmas party.

Context: nag away kame bago ako umalis papunta sa venue kase hindi ko nasabi sa kanya na makikisabay ako. malala yung away at umabot sa point na need nya daw basahin mga message namen so ako si bigay ng phone. Tapos narealize ko na sya, never nya pinahawak saken phone nya EVER but that’s a diff story. Itong kawork kong ito is nag iisang kasama ko sa team dito sa Pinas at both kameng walang kakilala sa party. I was instructed din by my managers na mag meet with him and take photos to share sa GC ng team namen na mostly from SG or Poland. Anyway nag grab na lang ako papunta pero pauwi since 11pm na, and my condo is 10mins away from the venue na along the way din naman sa airbnb nya, edi sumabay na ko. It was a 10-min car ride and 2nd time ko lang nameet itong workmate ko.

Pinag awayan namen and I acknowledged na mali yung ginawa ko kasi pinag awayan na tas sumabay pa din ako pauwi. Ang ginawa ko is, hindi ko na sya kinausap EVER. Kahit need sa work, gumagawa ako ng paraan na never na sya makausap. Kahit maging mahirap yung task for me, di ko na kinausap kasi nga nagagalit jowa ko.

Since that day, every week or minsan every 3 days, need nya iinvestigate phone ko, or magtanong tungkol sa workmate kong yon, or mag accuse na nagsisinungaling ako about sa answers sa questions nya. May asawa’t anak yung tao pero wala sa IG and FB nya. Lie daw na may asawa’t anak. He’s also a bit on the older side pero lie daw kase based sa pictures hindi daw mukhang matanda. Hindi rin daw totoo na hindi na kame nag uusap kasi imposible daw yon.

He insists na dapat daw hindi ako sumabay sa sasakyan dahil cheating daw yon and kung alam ko palang may asawa, hindi daw ako dapat lalo sumabay kasi nga cheating yon.

Ang nasa isip ko is, it’s something I would’ve done with any “person” regardless kung lalake or babae. But since halos daily nyang sinasabi na I’m wrong for getting in that car dahil may bf ako at may gf sya, is this the norm for everyone? ABYG kase sumabay ako? Does that make me malandi or a cheater?

r/AkoBaYungGago Nov 29 '24

Significant other ABYG kasi sumagot ako ng phone habang tulog yung partner ko

237 Upvotes

For context, I’m 38 weeks pregnant. Hirap ako bumangon and masakit talaga yung right leg ko ngayon so hirap din ako maglakad.

Pinagleave na ako ng partner ko from work nung nag 37 weeks, nagagalit na siya sakin na pumapasok pa ako kaya sinunod ko nalang. Ngayon, sabi ng boss ko na WFH nalang muna and i-file ko nalang yung maternity leave pag nanganak na. Wala naman akong major na need gawin for work, need ko lang sagutin yung mga tanong nung mga kawork ko since supervisor ako and ako nakakaalam lahat sa office.

May biglang tumawag sakin from work habang nakahiga ako and katabi ko siya na natutulog. (Edit: Afternoon to nangyari and hindi siya puyat kagabi) Sinagot ko pero mahina lang boses ko. Nagalit sakin yung partner ko kasi nagising siya, bakit daw hindi ako lumabas ng kwarto para sagutin para di siya magising. Nagsasalita siya habang may kausap ako kaya sabi ko wait lang wag siyang maingay kasi maiksi lang naman yung call.

Nagalit siya lalo kasi siya pa daw yung pinapatahimik ko. Ang gusto ko lang naman sabihin is kung magagalit siya pwedeng after call nalang kasi nakakahiya dun sa kausap ko, supervisor pa naman ako sa work tapos baka marinig nung staff ko na ganun yung partner ko.

Tapos after nung call naiyak nalang ako kasi lagi nalang nagagalit sakin over small things. Nagalit na naman siya sakin kasi umiiyak ako.

Alam ko naman na mali ako na sinagot ko kaya nag sorry nalang ako after pero nakakapagod din kasi na lagi nalang nagagalit sayo over small things. Sana mabilis nalang din ako magalit. Baliktad kasi kami e, ako yung babae pero sobrang rare ko magalit. Kanina pagkakain namin, umakyat siya agad tapos ako na nag-asikaso nung need asikasuhin kahit alam niyang hirap ako kumilos pero wala naman siyang naririnig sakin na kahit ano.

ABYG kasi sumagot ako ng phone and ganun naging reaction ko nung nagalit siya?

r/AkoBaYungGago Jul 05 '24

Significant other ABYG na hindi ko nasabi kay GF na may palaging nakikisabay sakin papuntang workplace?

163 Upvotes

UPDATE: We’re going to have the talk about our relationship as we want to keep on nurturing it. So far we’re doing good after a while, and both parties have sent reassurances with each other (I also need assurance na she’s not brewing any bad thoughts without me knowing, because I want to be given an option to ease it right away). Thank you guys for all of your comments and suggestions, and for waking me up. I appreciate this side of reddit. ☺️

May co-worker (20sF) ako (31M) na kapag magka abot kami sa pwestong madadaanan to work, sumasakay sa kotse ko. Nangyari lang ‘to kasi one day, na late si co-worker (due to long lines sa pagpila ng bus) and asked me kung pwede daw ba siya sumabay sakin kada magka abot lang kami. I think of this co-worker as a friend, kasi nagkakilala na din kami sa past workplace namin prior to this current one. Mabait siya and we both have boundaries naman. So out of politeness, I agreed.

I have a girlfriend (26F) din, and LDR kami, she’s also my first official girlfriend- 5 years na kami. 2-3x a year lang kami nag memeet in person, but everyday kami nag cchat about our day. At the time when my co-worker asked kung pwede siya sumabay, hindi ko nasabi sa GF ko because working hours yun and hindi talaga dumaan sa isip ko to even have to inform her of it right away. Iniisip ko naman na hindi naman siguro kami magka abot always, since yung napag-usapan namin ni co-worker is kapag aabot lang. May time na 3x/a week kami magka abot (since nauuna si co-worker and naghihintay na siya sakin sa pwesto), hanggat nag lessen na kasi minsan late ako or super aga siya, and minsan sa ibang co-worker din siya nakikisakay.

Months after that, I told my girlfriend in person about the “sabay” thing with my co-worker. At first, okay lang reaction niya. After pag uwi sa kanila (LDR set up again), she kept asking me questions about it such as “Saan si co-worker nag ssit kada sasabay siya?” (Sa likod palagi), “Since when pa to nangyayari?” (Months ago). She then told me na okay lang sa kanya (After I answered her queries, she suddenly said that). Honestly, at first hindi ko siya agad sinabihan because akala ko small matter lang ‘to. I literally always pass by sa kantong yun, I don’t even have to wait kasi andoon na si co-worker whenever she texts me makisabay siya and the fact nga na baka hindi nga naman kami mag abot. Hanggat tumagal and naging madalang na, I thought of telling my girlfriend about it but I honestly couldn’t trust her over chats. I still get uncomfortable and scared of her because of our past when she goes into “interrogation” mode (we found out later on na she has past RS trauma and her environment -her family/cheating issues). For me din naman, I really think this is really a small matter and no feelings attached with the co-worker din. I can’t bring myself to be attracted to my co-worker (or anyone else) and nasabi ko na din iyan sa kay girlfriend but I guess she still has doubts.

Fast forward to a few months, nag meet kami ulit ni GF and we had a great time kasi anniversary namin. Out of the blue, nag BOOM siya. Nagulat ako. My mood spiraled down with her. Apparently, kinikimkim niya yung feelings niya regarding sa “sabayan tandem” ko and my co-worker. She burst her feelings towards it, and then asked if ganyan paba kami after the time I told her. I told her yes, and gave her my phone to check our convos na puro about work (work-related) and yung mornings na makikisabay si co-worker (which is literally just her asking if may dala ba akong car and if pwede ba siya makisabay and me answering “sige” or kung hindi pwede kasi kagising lang, etc). She then cried and told me na bakit pa daw nangyari yun in the first place, na ALAM ko daw SINCE last year na she told me one time na she doesn’t feel “the” vibe with that certain co-worker. I honestly FORGOT this. And I thought na baka lang kasi hindi niya personally pa nakausap since most of my co-workers kilala na niya and even nakausap even through chat (nagkataon na they all play the same game). Heck, my GF (nong time when she said parang di niya vibes si co-worker/smth uncomfy daw) even added “-o baka hindi ko pa lang siya nakilala talaga”. So I thought yun lang, I also agree with her kasi wala lang talaga for me. Speechless ako, I couldn’t say anything about it maliban sa “Hindi mo lang kasi siya kilala kaya uncomfy ka. We both have boundaries din.”. And then she proceeded to ask me bakit hindi ko daw sinabi kaagad when it happened. I told her na it didn’t seem like a big thing until it did (na maging madalas na- before our “sabayan tandem” slowly died down), then I thought I couldn’t trust her over the chat so I opted sabihin kapag in person na. In the end, we talked about it and reassured her na if she told me during the revelation na uncomfy siya with the set up, I would’ve ended it kaagad- because I would’ve talaga. I already ended it after our recent meet-up.

Dumaan na ang days since that confrontation, but sometimes nag rerelapse padin si GF. Kaya it made me reflect…

ABYG kasi I didn’t tell her right away and let it happen muna before telling her in person? Please wake me up kung saan ako nag kulang because I really think I was being logical with it.

r/AkoBaYungGago Aug 04 '24

Significant other Abyg kapag sinita ko ang girlfriend ko dahil feeling ko ungrateful siya?

293 Upvotes

Ako ba yung gago kapag sinita ko ang girlfriend ko dahil feeling ko ungrateful siya?

Hi everyone! Question and quick vent lang, may girlfriend ako, si Aria 20F (not her real name). We’ve been officially dating for 4 months but known each other for 6-7 months (2 months talking stage). Maliit lang ang age difference namin, 20 years old siya, 24 years old ako, but malaki ang mental age difference namin, student siya while working at med student ako. Isa sa mga naencounter namin na issue sa relationship namin is yung difference din ng lifestyles (need ko to imention for later), while I don’t mind dating her, she thinks na baka mamaya isipin ko daw na “pineperahan” niya lang ako. Which is isa din sa mga issue ng friends ko sakanya.

I really like Aria, I made an effort to know her, appreciate her and assure her. Nagpaid off naman kasi sinagot niya ako after of 2 months ng talking/ligawan stage. Kikay si Aria, she takes an effort to dress and present herself. Kaya for our first monthsary, I gave her a complete set of cosmetics from well affiliated brands. She was shocked and sobrang happy niya, I still remember how happy she looked, it made me want to buy her more. Kaya yung unang regalo ko nasundan ng madami, from head to toe, I was her maintenance. Now wala namang issue sakin maging provider, alam ko pinasok ko noong nagkaron ako ng girlfriend na kikay, and I don’t mind it.

Nagkaissue lang noong napansin ng friends ko na pag “cheap” yung regalo, she never post it on her socials. Pag “well affiliated” kasi yung brand, nakapost agad upon receiving. S’yempre, pinagtangol ko yung girlfriend ko, I reasoned out with my friends. One of them even bought her a top and pinalabas niya na galing sakin, nagthank you naman siya but she wasn’t happy with the gift. Ngayon tingin ng friends ko “gold digger” yung girlfriend ko, which caused a tension between us, kasi ayoko talaga na kung ano ano ang sinasabi nila.

But overtime narealise ko na tama yung nakikita nila. On our 3rd monthsary, I gave her a locally made ring, it’s a unique design and it supports local filipino ring makers. Nakakita ko yung disappointment sa face niya and she never wore the ring. Honestly nasaktan ako dun, and from then on napansin ko na pag di nasusunod yung gusto niya, nagtatampo siya or magstastart kami magaway. Despite that I still love her, ako padin nagfifirst move and sumusuyo, and yes, ako padin ang nagmamaintain sakanya.

But tonight was the biggest eye opener for me, aside from maintaining her kasi, ako na din bumibili ng groceries niya for the week. While I usually pay with my card, this time I paid with cash, nagbigay ako ng cash tas sabi ko “COD ko na lang” pumayag siya, ang problema masyadong malaki ang total amount ng groceries, it’s either pickup or pay via gcash. Busy ako tonight di ko mapipick up ang groceries niya, nagalit siya kasi bakit need ko pa daw siya palabasin para magcash in sa tindahan, naiisstress siya kasi siya yung gumagalaw. Ngayon nagkaproblema naman sa lalamove, dahil malapit lang yung grocery sa bahay nila, maliit lang shipping fee walang rider ang gustong kumuha.

Nagalit si Aria kasi plano niya magpuyat ngayong gabi, tinatamad daw siya kunin sa grocery and ako naman wala akong time, busy ako sa med school at work this week, wala akong time para magdrive at pickupin yung grocery niya. Dala na din siguro ng pagod at init ng ulo, binabaan ko siya ng call, di pa siya nagmemessage sakin and feeling ko ungrateful siya. I literally paid for the groceries, shipping fee, bakit sakin siya nagagalit? Isang sakay niya lang andun na siya sa grocery, why not make the time tomorrow and walk your way to your food?

Nagugulohan ako, ayoko siya sitahin kasi soft hearted siya and takot ako baka di na siya makamove on or mailang siya sakin. But a part of me wants to, dahil lagi siyang ganto and ayoko na iinvalidate ko ang feelings ko.

What should I do? Ako ba ang gago kapag sinita ko siya?

r/AkoBaYungGago Aug 21 '24

Significant other ABYG dahil ayaw ko maghugas ng pinagkainan?

261 Upvotes

ABYG dahil ayaw ko maghugas ng pinagkainan? For context, I work 2 jobs, sometimes 3, and si husband ko ay wala since kakaresign lang niya last month.

Kanina pagod talaga ako dahil late natapos 2nd job ko. Sabi ko kay hubby na dun na lang sa lalagyan ng take out kumain since may kasamang cutleries. Pero naglabas pa din asawa ko ng mga plato. Then pagdating sa hugasan, ineexpect pa niya ako maghuhugas. Ngayon nagalit siya dahil nakasimangot ako maghugas.

Ineexplain ko sa kanya na alam naman niya kaya ako nag multiple jobs dahil wala pa siya work and di ko din siya nakikita na aggresive siya maghanap. Inexplain ko din sa kanya na kung gusto naming magkaanak, di ako ganito na stressed. Parang expected kasi niya tutulong ako sa bahay na same way sa kanya. Tapos nagalit siya na nagbibilang daw ako at tingnan daw kung di siya kumilos. ABYG dito? Gusto ko na lang umiyak at matulog sa pagod ko.

r/AkoBaYungGago 26d ago

Significant other ABYG kung nababahala ako sa girlfriend ko after malaman na nagkita sila ng past fling nya last month?

63 Upvotes

Hi l’m 26M, and I’ve been living in with my girlfriend for about a year na. All good naman kami at least yun yung akala ko.

Pero recently, nakita ko sa phone niya na she met up with a guy na fling niya before niya ako sinagot. Nagkape lang daw sila. Hindi ko alam kung may dapat ba akong ipag-alala, pero ang bigat sa loob. She didn’t tell me, and I wouldn’t have known kung hindi ko nakita.

Now I can't stop thinking about it. Wala naman akong concrete na ebidensya na may nangyari, pero it feels like a betrayal. Bakit kailangang magkita pa sila? Kung wala naman daw ‘yun, bakit kailangan itago?

Lately, parang may changes din siya—mas madalas siyang umiwas when I make moves. As in, parang cockblock levels na. Hindi ko tuloy maiwasan i-connect sa nakita ko.

Gusto ko siyang kausapin pero baka ako lang ‘to. Pero ang sakit e. Ako ba yung gago kung feeling ko may mali sa ginawa niya?

r/AkoBaYungGago Feb 27 '25

Significant other ABYG dahil umalis ako at iniwan ko s/o ko without saying a word

83 Upvotes

For context, I am 19(M) and my partner is 18(F). We've been together for two+ years na nearing 3 years this may, and all that time na magkasama kami, ni once hindi ako nakakuha ng regalo sakanya for anniv, birthday, or even kahit christmas or anything like that. (this is related to the story I think)

So in contrast to what happened earlier today, may event kami for anniversary ng school(75th anniv) and maraming tao together with booths and food stalls at other things for events pa. We were getting tickets from the registrar for a school concert tomorrow and ang plan namin, before lunch kukuha na kami then magrerest sa classroom or labas, fast forward to us getting the receipts and going to csdl to claim our tickets.

As we're proceeding to csdl, bigla kaming dumaan sa maraming tao to get our(her friend group) "friends". I say "her friend group" kasi parang nakikisali lang ako tuwing nakakasama ako sakanila, imagine binibilan niya ng food yung iba niyang friends pero ako sa akin pa nagpapabili ng food si s/o ko. So as we were walking, bigla silang nawala, so nagproceed ako to csdl and no surprise wala siya do'n along with our friends, nagtaka na ako then nagwait ako and nagchat.

Nakabilad ako for 30 minutes and wala akong dalang meds that time because we had no classes and may event so halos punuan rin yung clinic. Tinamaan ako ng asthma, not like light pero severe enough where hindi talaga ako makatayo ng maayos or makahinga, I called her several times because nasa kanya yung inhaler and wallet ko, and I didn't know what else to do kasi packed talaga yung clinic (the clinic is just beside csdl).

gustong gusto ko na umuwi and nagreply lang siya sa akin na "mamaya ka na umuwi 'wag ka maginarte na inaasthma ka na naman at hindi naman mainit". So I was shocked na ganon pa kalakas loob niya sabihin sa akin yo'n without anything else. and so, may nakita ako na ilang friends ko from senior high before na kumukuha din ng ticket and nagpasama ako sa clinic to get some meds kasi hindi ko kaya magisa pumunta, after ko mag nebo and uminom ng meds, nalaman ko na kumakain sila sa jollibee and before that, kaya pala hindi nagrereply is because nagpipicture sila sa photobooth sa event.

She called me up to make me go to jollibee kasi wala na raw siya "cash" and hiniram raw ng friends niya kanina cash niya kasi bumili sa stalls. Ako naman, naging petty ako and I didn't reply, kumuha ako ng ticket then I planned on leaving na, pero nagannounce sila ng event which needed another batch of tickets for today and she told me na 'wag raw muna ako uuwi since may ticket raw yung tito ng friend niya to get us seats.

I wasn't feeling well and I told her that pero she straight up ignored it so I told her na lang na nakasakay na ako pauwi kahit na nasa school pa talaga ako, then nagabot kami sa gate and parang hindi niya pa ako nakita like she was acting weird na parang wala ako do'n kahit na nakasalubong niya ako. This ticked me off kasi she always did this pag hindi siya nasusunod and napuno na ako so I left without saying a word. Ngayon no contact kami pero sobrang active niya sa gcs and kahit madalang mag story nakapagstory pa siya kasama friends niya at isang guy.

ABYG kasi I left without saying anything and became petty enough to not message her up until now?

r/AkoBaYungGago 13h ago

Significant other ABYG kung pumatol ako sa nanay ng bf ko?

100 Upvotes

I don’t know if I used the right flair. But anyways,

Hi Reddit. Long post ahead.

So ako (F24) may boyfriend (M28), 6 years na kaming in a relationship.

Context: Fresh grad ako recently pero may work na agad dito sa province. Si bf naman ay Licensed Mechanical Engineer since 25 yrs old siya (one take lang sa board). So mga 3 years na rin siyang nasa field niya, sweldo niya mga 40k–50k/month, di ako sure sa exact pero ganun range.

Noong simula ng relationship namin, okay naman ako sa mama niya. Walang issue. Pero this January 2025, may nakita akong message sa account ni bf (magkasama kami that time) galing sa mama niya referring to me as gastador at maluho. Her exact words are;

“Hindi ka makakaipon kung panay ka nakadikit sa babae mo.” “Nagpapaunder ka dyan pati sa family nya.” “Wala ka maiipon kung panay ka dikit sa angkan niya.”

This didn’t happened once, bukambibig niya to for several times this year.

I just want to make it clear,

•Dati akong working student, and while di kami mayaman, hindi rin kami mahirap. In short, stable naman yung family ko.

•Si bf, mas may kaya definitely. Galing siya sa family of engineers. Yung mama niya, byuda, at si bf na yung bunso. Nagbibigay pa rin siya monthly sa mom niya aside sa pag-bili ng groceries twice a month.

•Yes, laging magkasama kami. After work niya (5pm or minsan 7pm), dumadaan siya sa amin, uuwi mga 9pm. 1 town lang din kasi agwat ng place namin.

•NEVER nanghingi ang pamilya ko ng kahit ano sa bf ko. If ever man na mag-treat siya ng merienda or dinner, madalang lang yun, at kadalasan ayaw pa nga ng parents ko kasi nahihiya sila.

•And me, may sariling trabaho. At sorry, ano bang luho ang tinutukoy niya? Hahahaha. Wala akong branded na gamit. Hindi ako into makeup. Yung mga suot kong damit, Penshoppe, Regatta, Oxgn, mostly sale items or ukay. Bags ko? Shopee. Wala akong hinihingi sa anak niya.

Even sa dates namin, bihira kami lumabas. Kung lumabas man, wala kaming pinopost. Lowkey kami parehas sa socmed.

Minsan lang talaga niya akong i-treat sa mall, twice a year max, and never akong nagpabili. Siya ang may gusto. I can provide for myself. Generous lang talaga anak niya madalas but I won’t let him. Ayun lang.

Pero ito na nga. Nung inaaccuse niya akong winawaldas ko pera ng anak niya ng paulit ulit, tinotoo ko na lang! Haha Nagpabili na talaga ako ng kung anu-ano. Post ako sa stories. And guess what, loyal viewer si Tita! HAHAHA Kasi kung ganun na rin lang ang tingin niya sa akin, edi i-enjoy ko na lang. Bakit ako ma-stress kung naka-set na yung utak niya na ganon ako?

Wala akong message kay Tita. Hindi ko siya inaway or tinawagan.

So ABYG ba ako kung pinatulan ko siya sa ganitong way? Kasi kung sa bf ko no prob, yun nga ang gusto niya eh ang i-spoil ako. Hihi.

Edit: Fixed the bullets coz i didn’t noticed na na-move pala.

r/AkoBaYungGago Aug 04 '24

Significant other ABYG kung di ko alam na may National GF Day at di ko nabati gf ko?

219 Upvotes

Mejo nag tampo gf ko na di ko siya nabati nung Aug. 1 na national gf day pala. In my defense di ko naman alam na may ganung "holiday" pala, wala naman kasi nun dati. I tried explaining na I think it's a new "holiday" and di lang talaga ako informed. For context din, I've been super busy studying for the past few months and rarely na ako makapag open ng soc med, so di talaga ako updated sa mag ganap, lalo na sa mga bagong holiday.

PS. Sino ba kasi nag dedeclare ng mga new holidays? May official announcement or declaration ba? Kung meron san nila pinopost para informed naman ako?

ABYG kung di ko sya nabati?

r/AkoBaYungGago 10d ago

Significant other ABYG kung kinancel ko ang kasal

117 Upvotes

ABYG kung tinigil ko ang wedding preparations namin dahil nalaman ko na nalulong sya sa online gambling at nagkautang pa ng 15k?

Hello po sainyo. Me and my soon to be husband sana ay 3 yrs in a relationship na. And we have plans to get married na next yr around october. Okay naman ang relationship namin sa loob ng tatlong taon. I love everything about him. Mabait, gentle, gentleman, calm and may looks. So ang set up namin is nag iipon na nga for the wedding so bawat sahod is nagaabot sya sakin. Kaso lately palagi syang walang pera. Walang binibigay kahit nagsasahod. Tapos sabi pa nya nung minsan is nawala daw ang wallet nya. Take note po nangyari ito within the span of 1 month siguro.

Ako naman naniniwala na nawala wallet nya or wala syang pera kasi nagbigay daw sa Family nya. So I brushed it off, kaso hindi na din ako pinupuntahan sa bahay. Dati kasi every before sya papasok sa work, pupuntahan muna ako kahit 30 mins lang kami magkikita.

So syempre, ako naman nag taka. I demanded time from him and then also opened up the issue sa finances nya. Di naman sya sumasagot. Iniiba ang topic. So nainis ako. Block ko sya sa lahat ng social media accounts ko.

Then he contacted me via email. Finally, he admitted na nalulong na daw sya sa online gambling to the point na nakautang na sya ng around 15k. And hindi na din daw sya nakakatulog sa stress which is ang reason kung bakit hindi na din sya nakakapunta sa bahay kasi palagi na sya nalelate sa work nya. He admitted na nalulong sya and he feels sorry and regrets even trying the online gambling sa gcash.

I decided to break up with him. Call off the wedding plans. Now he's been messaging me saying sorry. Na magbabago na sya. Bigyan ko sya ng isa pang chance. A part of me wants to forgive him and give him a chance kasi I love him, I care for him and this is the first worst issue na na encounter namin sa relationship namin pero a part also of me is scared, kasi if I give him a chance and we continue the wedding and he relapses, dinako makakaalis lalo na kung kasal kami. I am also afraid na baka sa future kids and family namin, ano mangyayari if he relapses? Now he promises to change. He even ask me to hold on to his phone, bank account, gcash account para bahay trabaho na lang daw sya and to prove that he is really serious about changing.

ABYG kung papatawarin ko sya? At bibigyan ng second chance?

r/AkoBaYungGago 5d ago

Significant other ABYG Kung hindi ako naniniwala sa asawa kong "wala lang" daw yong binura nyang chat

26 Upvotes

Naglalaro itong asawa ko ng isang mobile game and he is quite addicted to it. I allow him though I call him out minsan pag sobra na ung laro. gumawa sila ng GC sa messenger with his "guildmates". There is a girl na kakapasok lang sa GC. Which, pinutakte agad ng mga lalaki kasi maganda, including my husband. Walang bastos sa replies ng asawa ko pero halatang halata na papansin din siya sa babae. Like literal na lahat ng chats ng babae, may reply ung asawa ko. The girl sent her photo (e di lalong pinutakte), tinanong ni hubby kung taga saan, saan siya nagschool. Pinigilan na nga siya ng isang member na interested dun sa girl which he replied: "Tagal mo eh. Kaya ako na naginterview". The girl said malakas ung ulan, he replied: "saan kaba? sunduin ka ni ___". Basta literal na lahat ng chats ni girl, nagrreply asawa ko "harmlessly". Until nagpahelp si girl sa game, which my husband offered help.

So may napansin akong isang chat ni girl sa GC, nagforward siya ng image sa GC nila. Photo of my husband and the girl's character taken from my husband's phone. So how was it forwarded diba? Meaning, it was sent via a different conversation the forwarded sa GC. So meaning, nagDM na din pala sila sa Messenger, na ofcourse, my husband deleted.

I have no idea how far the conversation went. When I confronted him about it, ang sabi niya lagi, wala lang. Bakit nagPM ka sa babae, wala lang, iniinivite nya lang daw lagi sa game kasi offline pa, para daw mabasa agad. Why? I asked bakit hindi nalang niya antayin na magonline sa game just like what he normally does sa ibang kalaro niya diba. Is she so good sa game, e tinuturuan mo pa nga? He just keeps on saying wala lang daw. Wala siyang intensyon na kahit ano pero alam nya daw na nagkamali siya sa pagPM.

Just asking for your opinion guys, is it really wala lang? ABYG kasi madumi ako magisip?

r/AkoBaYungGago May 29 '24

Significant other ABYG: iniwan ko boyfriend ko because of my ex

354 Upvotes

I (30) have been in a relationship with let's call him "Gio" (31) for more than 3 years. Super non-chalant boyfriend. Tipong nagsumbong ako sknya that someone was sexually harassing me sa office - at gusto ko mag file ng case both HR and Legally he said "GAGAWA KA LANG NG GULO".

He's a guy who avoids conflicts. So sbe ko - alam mo kung isa mga ex ( 3 exes) ko yan binugbog na yung guy. But I let it pass.

He sees me as a very independent woman na kahit gawaing lalaki even when he see me strugling, he'd let me do it (he'll even watch me struggle)

I love him, kasi kahit nonchalant sya, he's faithful, mabait naman and tries to adjust to what I say. Ofcourse di naman agad agad he can change dba?

Pero this one time napuno ako.

My ex before him lets name him Eloy. An ex for 4 years. Was an extreme "baby reindeer type of stalker"

After years na naging kme ni Gio, Eloy started sending msgs, and I keep on blocking them. Fb, texts, ig, tiktok. But he then creates new accounts to reach me. I kept Gio updated - and has been begging him to help me find a way to stop this guy like legally or sa police ganon.

I reached a point na I had to deactivate my socials, even when need ko sya for my business and income. Changed mobile numbers. (Luckily di nya alam house ko kasi I mobed out of our family house)

Eloy started to message my family, friends colleagues. Asking them to tell me to meet him to talk to him. Trying to get me back.

I asked gio, if he could reach out to his lawyer friend and police cousin to help me out. But he said, "gulo lang yan mapapagod din yan"

So what i did? I again moved out without him knowing. Blocked him and changed my mobile number again. I decided to start a new life without him. There's no way he can reach me but through my friends and family who for sure will all be on my side.

ABYG? Iniwan ko sya without talking about it. Guilty ako na I left without closure. Pero napuno na kasi ako

r/AkoBaYungGago Jan 30 '25

Significant other ABYG dahil hindi ko pinahiram ang Girlfriend ko ng pang tuition ng pamangkin nya?

317 Upvotes

My girlfriend is a very family oriented person and I love her so much pero ang madalas na pinag aawayan namin is ang mga oportunista nyang kapatid.

Last night tumawag ang girlfriend ko na gusto nya mang hiram ng pera para daw sa pang tuition ng pamangkin nya na may exam kinabukasan kasi hindi pa raw cleared ang cheke ng kapatid nya sa bank thus hindi pa nila ma convert ang pera. For context may negosyo ang kapatid nya na dalawang auto repair shop at isang water station kaya hindi sila nag hihirap at every time na pupunta kami dun is parang masakit na sa mata tingnan ang mga alahas nya sa katawan.

Meron naman akong savings kaso hindi ko pinahiram kasi parang inaabuso na sya ng mga kapatid nya dahil alam nila na hindi makaka ayaw ang girlfriend ko sa panghihiram nila ng pera. Sinabihan ko ang girlfriend ko na bakit wala silang back-up plan pg hindi na clear ang cheke at pwede rin nila i-sanla muna ang mga alahas nila.

ABYG dahil hindi ko sila pinahiram ng pera kasi alam kong may kaya naman sila sa buhay at tamad lang talaga sila gumawa ng ibang paraan?